ILOILO Part 2

59 0 0
                                    

ILOILO Part 2

Hi Magandang gabi Amadeuz ulit…Unang una nagpapasalamat ako sa mga sumuporta, sumubaybay sa mga stories ko actually di na sana aq magkkwento kasi busy na po talaga. Kaso dahil don sa nangyari sakin sa ilo ilo napagisip ako. Ano bang meron sakin bakit kakaiba yung mga naexperienced ko.

Nasabi ko na to sa mga magulang ko. ang sagot sakin ng tatay ko” nagtaka ka pa eh hindi na bago yan sa lahi ng nanay mo.engkanto ata kayo eh…haha gs2 pa nga akong ipatawas.hahaha  Don ako nagka idea natandaan ko lahat ng kwento sakin ng yumao kong lola. Saka ako napagisip kung bakit ako naibalik kung bakit hindi ako in abduct ng mga tamawo daw base sa mga nabasa ko sa comment. Lahat ng babae sa loob magaganda, Matatangkad tao lang ako. lalake tapos marupok pa nangamba sila para sa mga kababaihan nila kung hindi na nila ako pababalikin. haha seryoso. Hindi ko din alam. O baka kasi hinatid ako ng nakausap ko hanggang sa makalabas ako sa lugar nila. O dahil na din siguro sa prutas lang ang kinain ko. parang wala naman kasi akong choice prutas lang inalok nila sakin nakakahiya nman kung kakainin ko yung iba eh di naman inihain sa harap ko. para don din sa iba na nagtatanong kung Nakita ko ba na may guhit sila sa nguso. Hindi din kasi nga diba sabi ko bigotilyot mabalbas sila nakalagay yung detalye sa description ko sa knila iintindihin o uunawain nlang po saka isa pa parang hindi ko na naisip yun nung mga oras nay un kasi sabi ko nga hindi naman ako nagdududa dahil para sakin normal ang lahat dahil hindi ko din talaga inaasahan na naeengkanto na pala ako ano nung mga oras na yun.naniniwala ako sa mga engkanto pero hindi ko inaasahan na isa ako sa makakaranas wala naman kasing sign o babala.walang txt oy kuya eows po engkanto here. Pls be prepared eengkantuhin ka naming mmya. Di sana lahat ng gusto nyo nagawa ko.hehe.pag kayo nasa posisyon ko 100% hindi din kayo makakapagisip ng tama. Maniwala kayo lahat ng sinasabi nyo ngayon hindi nyo yan magagawa pag  andon kayo.cp ko nga dq magawang dukutin…tapos sa mga nagtatanong kung bakit ko hindi dinidescribe pag dating sa lalake.ok eto na yung mga lalake sa loob lalo yung mga bata bata pa?.. May isang dummy pang nagsabi na halatang bakla ako…nagbabasa ako ng comments.sampigain kita jan eh.   pag may mga naaalala akong kwento tungkol sa mga kabataan ko dq maiwasang hndi agad ishare.baka kasi makalimutan ko saka para ibukas nadin yung awareness nyo na hindi lang tayong normal na tao ang nakatira dito sa mundo.hindi ko nga din alam baka tayo ang abnormal sa knila tapos sila ang normal para sa kanila.hindi mo alam yung katabi mo knina sa jeep, sa bus, sa tricycle o mismong katabi nyo ngayon di pala tao.actually pakiramdam ko may sumamasakin kasi naaamoy ko sila. Lagi ding tumataas balahibo ko sa kabilaan lalo pag nagiisa aq mapaumaga hapon o gabi…ikkwento ko lang sa inyo kung anong angkan ako galing. Sa lahi namin di na iba yung paranormal activities lalo pagdating sa mga engkanto engkanto. lalo sa side ng mother ko. ang lolo ko pure Tausug isang lahi ng muslim na matatagpuan sa Cotabato. Ang lola ko pure ilocana. Nung bata pa lola ko mestisahing ilocana ang lolo ko naman sundalo. Mestisuhin din Pero sayang hindi ko xa naabutan. Nung panahon nila sobrang mapuno pa ang maynila. Malinis pa lahat ng ilog. Konti saka napakabilis maimpluwensyahan ang mga tao.simple ang buhay. Mahirap pero alam kong masarap yung buhay noon kesa ngayon kasi kahit san ka lumingon may mapipitas kang pagkain. Nung panahon ng mga ninuno natin bata pa ang mundo. Walang naglalakihang gusali. Kaya mas aktibo kung magparamdam lahat ng mga engkanto o laman lupa. Kasi madami pa silang matataguan noon.natatandaan ko din nung bata ako nakakakita ako ng malaking paro paro, pati mga tao na ako lang ang nakakakita kahit ituro ko sa mga magulang ko.hindi iba sa nararanasan ng mga pamangkin ko ngayon.saka ko na sila ikkwento. ang lolo ko isang Tausug. May asawa sa lugar nila kalahi din nila. Nung madestino xa sa ilocos doon nya nakilala yung lola ko. palibhasa magandang babae nainlove agad yung lolo ko. dahil din sa lola ko kaya inakap nya ang kristyanismo. Sobrang madaming nagalit na kalahi ang lolo ko mas lalo sa angkan ng unang asawa nya. umabot sa puntong hinahunting na silang dalawa ng lola ko para patayin.isinumpa din hindi ko muna ikkwento saka na..

dahil jan kaya nagawol ang lolo ko nanirahan ng simple para mabantayan ang lola ko. Itinakwil ndin sila ng lahi ng lolo ko kaya hanggang ngayon wala akong kilala isa man sa mga kamaganak ko sa Cotabato. Dito magsisimula ang kwento ko…..

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon