Things to ponder (Kupido o Kamatayan? (kuro-kuro) Part 3)
Hello readers and admins! Akala ko last share ko na ng story pero mukhang madadagdagan talaga. Actually, nagdadalawang isip akong i-post pero isha-share ko na lang at tutal last week ko pa to na-type (Niready ko na).
Remember “Kupido o Kamatayan? (kuro-kuro)” kung nabasa niyo na dahil nai-post na po ang story at nakita kong nai-post na nga talaga kaya naisip kong buuin na ang storya ko.
June 13, 2015 [2:41pm]. I was in my grandmother’s house that day and it was raining hard kaya tambay muna ako sa harap ng bintana namin, sa glass window. May naaninagan akong tao sa baba, nasa 2nd floor kasi ako. Kaso ang lakas ng ulan kaya medyo malabo na yung glass window, dahil na rin siguro sa hamog atsaka sa lakas ng ulan kaya hinayaan ko na lang. Maya maya ang tagal niya nang nakatayo sa store ng tapat ng bahay namin. Hindi pa rin siya umaalis at may dala naman siyang payong, sarado ang store na yun dahil na rin siguro sa sobrang ulan.
More than 20 minutes na siya doon kaya nagpasya akong bumaba sa ground floor at sumilip sa bintana malapit sa may pinto. Nanigas ako, tumaas ang balahibo ko, at fixated ang tingin ko sa kanya, he’s Mr. Old Soul! I was so sure that time. But I kept on asking ‘Why?’ ‘Bakit nasa harap ng bahay namin ‘to?’ Kinabahan ako, halos kasing lakas ng tambol pag nagppraktis ng cheering squad sa school yung tibok ng puso ko. Gaaad, I’m so damn nervous. Nagtataka din ako kung bakit ako kinakabahan, maybe because hanggang ngayon ang dami ko pang unresolved issues about him. Puro lang ako kuro kuro, dammit! Active na naman mga curious cells ko. Kasalanan niya talaga to’.
Sa sobrang pre-occupied ko, hindi ko namalayang 5 steps away na lang kami ni Mr. Old Soul. Kahit na nasa loob ako ng bahay feeling ko hihimatayin ako sa gulat kasi naglalakad siya palapit sa direksyon ng bahay namin. Wala naman kasing gate ang bahay ni lola, simple, ganun. Ramdam kong may gagawin si MOS (Mr. Old Soul). Meron nga ba? At dahil lutang na naman ako, nagulat ako sa katok sa pintuan namin.
Tiningnan ko uli si MOS sa bintana pero wala na siya. ‘Sh*t, siya ba yung kumakatok? Anong gagawin niya sakin!?’. Inisip kong mabuti kung bubuksan ko ba ang pinto o hindi. ‘Damn, what should I do? Ako lang mag-isa dito ngayon’ Lumakas ang katok ‘TOK TOK TOK’. I have no choice, i-oopen ko na lang, lumakas na rin talaga ang ulan sa labas eh atsaka nakausap ko na naman na siya before. He went inside the house after ko siyang pagbuksan ng pinto. At umupo kaagad sa sofa namin. ‘Walang thank you, walang manners’ yan na lang nasa isip ko.
NV
MOS: I can hear you.
ME: Ha?
‘Shit, mind reader siya? I’m so dead’
MOS: I said I can hear you. I don’t read minds but I can hear everything.
ME: Okay. Why are you here? Wala ka bang sariling bahay?
MOS: Is that how you treat your Teacher?
ME: What?! Teacher? Magtuturo ka ba sa University namin?
MOS: Nope. I’ll be teaching you other things but absolutely more important matters.
ME: Convince me. (Ang lakas ng loob ko, pero kabado na ko niyan)
MOS: It’s about time, may mga dapat kang malaman sa katauhan mo. Tao ka rin naman but you’re not normal, so are you in?NOT NORMAL? Nung mga oras na yun hindi ako agad nakasagot, hello!? Dere-deretso pa siya kung magsalita ah, wala man lang pasintabi? IN daw? Nasa teleserye ba ako? Enkantadia ganun? I know na sobra akong nagpakain sa kuryosidad ko pero sobra naman ata ang balik sakin nito?
ME: Samahan kita sa psychiatrist, gusto mo? Haha *insert sarcasm here*
MOS: Things like this are no laughing matters. If you do this half-hearted, there will be no room for you to be with us and you‘ll never know who and what kind of ancestors do you have.
ME: Why me? I mean biglaan ka! Bakit ako? Wala man lang background orientation ‘to?MOS: You’ll know everything if you accept your fate.
ME: Fate? Ayos ah. The last time I checked, you just walked away and left me hanging with all the sh*ts tapos ngayon ganyan bungad mo sakin? You’re not a good teacher at all.
MOS: Maybe you’re aware of ‘Perfect Timing’?And he got me there. Alam ko sa sarili kong sobrang curious ako sa mga bagay bagay at ayokong tumatagal ang pagtuklas doon. Pero never sumagi sa isip ko ang perfect timing, na hindi sa lahat ng oras malalaman mo ang gusto mo kasi nga may nakalaan na oras para doon. ‘Now, I’m learning. I admit he’ll be a good teacher. Mag-sosorry ba ko?’
MOS: You’re forgiven. I’ll give you 2 weeks to ponder. Listen to what I am goin’ to say, if you’re accepting your fate, mag-iwan ka ng any white flower sa place kung saan tayo huling nagkausap last month. Kung hindi, just don’t leave any.
And right there and then, he left without any notice. Nakatayo lang ako sa harap ng sofa, ramdam ko yung lamig sa katawan ko, hindi dahil sa maulan sa labas kundi dahil nanlalamig ako sa kaba. Hindi ko ma-explain yung feeling na pwede pa lang mangyari ‘to? Akala ko applicable lang lahat sa TV. Hindi pwede yung may powers ka or what dahil tao ka lang. Gaaaad. Yung mga cells ko nagwawala na naman, curious na naman ako. What should I do then? Accept or Decline?
PS. It’s my birthday today (June 13, 2015), naisip ko lang bigla na baka kaya sinabi na sakin ngayon ni MOS yun kasi ngayon ang tamang oras? Patay na, curious na naman ako.
EyeWonder
NOTE: Reposted dahil mas nauna ang Part 4. Sorry sa maling pagschedule :)
📜Spookify
▪︎2021▪︎
BINABASA MO ANG
[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.