Date:
https://www.facebook.com/350647578436189/posts/1989813327852931/7/11 chronicles: TANGKA
Special shout out to KRYTZEL JAY GUERZON paki handa na po yung susunugin mong brief. Haha ikaw lang muna. Tsaka na po yung iba.
Simulan na natin ang kwento.Josh's POV:
Lumipas ang mga bwan at morning shift ko, at graveyard shift ulit ako. 10:00pm habang nag aayos ako sa loob ng store at si manong Remy ay nasa entrance ng store, madaming dapat ayusin at linisin kaya eto busy muna ako, tutal busy pa din naman si manong Remy. Nag paalam si manong Remy na bibili muna ng yosi sa malapit na tindahan."josh, dyan ka muna ha? Bibili lang muna ako ng yosi kay aling lolet." paalam nito sakin. "sige po manong Remy, wala pa naman pong mga customers. Take your time, malakas ka sakin eh." sagot ko naman sa kanya. So habang wala si manong Remy, pwumesto muna ako sa counter kung sakaling may customer na dadating. At may pumasok nga, duneretso ito sakin sa counter. Mayaman siguro ang lalake, pano ko nasabi? Kasi kita sa maayos nyang pananamit, sa mga alahas nya. Naka kulay itim syang americana, medyo may edad na din siguro to mga nasa 50 o 60 years old. "dito ba gwardya si Remilon Antonio?" tanong nito sakin. "ah opo, lumabas lang po saglit." sagot ko naman sa kanya. "sige antayin ko nalang sa labas." sabi nito sakin na may kasamang ngiti, alam mo yung ngiting parang napilitan lang? Yung ramdam mo sa kanya na may mali at tila may dinadalang problema? Ganun. Tuluyan lumabas ang Lalake, saktong dating ni manong Remy."manong may nag hahanap sayong lalake, muka ngang yayamanin eh." sabi ko kay manong remy. "talaga? Asan ng mautangan ko.hahaha" pabiro nitong tanong sakin. Haha si manong talaga kahit kelan. At pumasok na ulit ang lalake, nag usap sila ni manong Remy. Eto mga narinig ko sa pag uusap nila.Lalake: Remilon, may kaylangan ako sayong bilhin.
Remy:ano po yun? Kung yung proteksyon ko po ang pakay nyo ay makakaalis na po kayo. Hinding hindi ko po ipag bibili kahit kanino ang mga yun.
Lalake:kahit sa halagang dalawang milyon?
Remy:kahit po siya apat, lima hanggang sampo ay hindi. Makakaalis na po kayo.
Nang akmang papaalis na ang lalake ay napansin siguro ni manong Remy na tila may mali dito, pinigilan nya ito at kinapitan sa balikat. May binulong ito sa lalake tila mga salitang latin. Hindi ko maintindihan eh, nang bigla itong umigaw ng malakas!
"MAGALING KA TALAGA MAYABANG NA SUNDALO! DI MAN AKO NAG WAGING MAKUHA SAYO ANG TATLONG SULOK NG TATSULOK AY MARAMI PANG ARAW AT PANAHON! MAPAPASAKIN DIN ANG KALULUWA MO! AT PAPAHIRAPAN KITA SA IMPYERNO! HAHAHAHA!" yan ang mga katagang nag pataas ng balahibo ko sa takot at kilabot na nanggaling sa lalake. Sinapian pala ito ng matagal ng gustong manakit kay Manong Remy. Tumakbo ako dito at nilapat sa noo nya ang proteksyong bigay ni manong Remy, lalo itong nag sisigaw at kalaunan ay nawalan ng malay.
Nang mag kamalay ang lalake ay wala itong kaalam alam sa mga nangyari. Ang huling natatandaan nito ay.Lalake: ang huli kong ala ala ay nasa atm ako ng bangko, nang may lumapit saking babae, tila isang pulubi. Inabutan ko ito ng pera para pang kain. Pero hinawakan nya ang braso ko. Sobrang takot ang naramdaman ko ng oras na yun. Hanggang sa parang mawawalan na ako ng malay. Pag Gising ko nandito na ako.
Malakas ang kalaban ni Manong Remy, at handa nitong gawin ang lahat para lang makuha nito ang gusto nito sa lahat ng gusto nyang saktan lalong lalo na kay manong Remy.
End of POV
Salamat sa mga nag pm sakin upang ipaalam sakin ang kanilang papasalamat. Ako po ang dapat mag pasalamat sa inyo sa walang sawang pag tangkilik ng mga kwento ko.
Popoy Mr. Inventory 😉
📜Spookify
▪︎2021▪︎
BINABASA MO ANG
[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.