Ang Ex Ni Lola Na Ang Pangalan Ay Lukas III
Part 1
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=466480260760249&id=218238752251069
Part 2
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=466867067388235&id=218238752251069
Iwas na iwas na ko kay manong. Hindi na ko nagpupunta sa puntod ni lola magdadalawang linggo na rin. Isang araw wala akong pasok biglang nag aya si mama. Sabi nya huling bisita nya kay lola nung libing pa. Dinaanan ko anak ko. Bumili kami ng pagkain at nagdala ng maraming kandila kasi ang balak namin dun na kami maghahapunan. Pagdating namin nandun si manong. Hindi sya nag iisa. Kasama nya yung charmer at isang lalaki. Iba sa nasa kubo. Mas bata itong kasama nya ngayon. Ang daming bulaklak sa puntod ni lola. Nakaramdam ako ng galit. Nilapitan ko sila at pinag aapakan mga bulaklak. Tumayo si manong pero hinila sya nung charmer. Yung galit nawala agad sa mukha nya. Charmer nga talaga.
Charmer : ate aalis naman kami di mo kailangang sirain yung mga bulaklak pinaghirapan ni louie pinangbili nya dyan
Ako: wala akong paki umalis kayo sa puntod ng lola ko
Manong : bastos ka bakit ka naninigaw sinigawan ka ba nya?
Ako : chinacharm nya ako
Tumawa sila nung lalaking kasama nya pero yung charmer kunwaring nagtataka. Well tinuruan ako ni lolo ambo na wag ko syang titignan sa mata oh kahit sa buka ng bibig nya para hindi nya ako mahalina. Si manong biglang napatingin kay mama.
Manong: pumayat ka imelda maayos ba pakiramdam mo?
Lapit sana sya kay mama pro humarang ako. Pagkauwi namin dun ko napansin na si mama tahimik lang. Dun ko lang talaga napansin din na pumayat nga sya na parang walang tulog. Anak ko nagpahatid ulit sa papa nya. Sabi nya sunduin ko na lang sya nextweek pagkatapos ng birthday ng kapatid nya sa papa nya.
Ako: ma ang konti naman ng kinain mo
Mama: hindi ko rin alam anak lagi na lang busog pakiramdam ko
Pinagtimpla ko sya ng tsaa na mag kakalahating ng taon sa ref namin. Bigay pa yun ng pinsan ko nung magbalikbayan galing sa kuwait. Pagkaubos nya nahiga na sya.
Lolo : nandun si lukas?
Tumango ako. Pagkatapos nagpaalam na kong matutulog. Nakatulog ako agad kaya lang naalimpungatan ako nung bumukas pinto. Nakita ko si mama lumabas. Sinundan ko sya. Gulat ako nung maabutan ko sya na kinakain yung hilaw na karne sa ref. Pagkakita nya sakin binitawan nya yumg karne. Tapos umiyak sya.
Mama: anak anong nangyayari sakin?
Hindi ako nakatulog. Sakit ng ulo ko sa trabaho kinabukasan. Maaga akong umuwi. Tulog si mama. Si lolo naman inaya ako sa likod. May green thumb si lolo ang lalago ng mga tinanim nyang gulay sa likod.
Lolo: napagsolo ba si lukas at ang mama mo?
Ako: bakit?
Lolo: si louie dahilan bakit ganito ako. Baka sya rin dahilan ng mga kakatwang nangyayari sa mama mo
May inabot sya saking papel na naninilaw na sa kalumaan.
Lolo: memoryahin mo yan at sa oras na magkita kayo sambitin mo yan nakukuha mo ba ko?
Ako: ano ba ito lolo? Anong mangyayari sakanya?
Lolo: makokontra kung ano mang ginawa nya sa mama mo
Kaya linggo ng umaga kahit punong puno ng takot ang dibdib ko pagkatapos kong magsimba dumiretso ako sa puntod ni lola. At nandun nga si manong. Hindi ko sya pinansin. Ganun din naman sya. Pagkatapos kong sindihan dala kong kandila. Sinimulan kong sambitin. Una nagtataka pa itsura nya tapos nung nangangalahati na ko para na syang hindi makahinga. Pero nakatayo pa sya. May mga ugat ugat na sya sa mukha. Tumutulo na malapot na laway sa bibig nya. Sinuntok nya ko. Natigil ako saglit pero nung makita kong nakalayo na sya sinigaw ko yung huling mga kataga. Natanggalan akong isang ngipin. Pag uwi ko gumana sabi ko sa sarili ko. Ang siba na kasi ni mama. Mas masiba kesa sa dati. Nag ngitian kami ni lolo. Naging maayos ng isang linggo. Yun nga lang anak ko ayaw umuwi. Sabi nya next week na naman.
BINABASA MO ANG
[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.