Maluk

34 2 0
                                    

Maluk

https://youtu.be/jK5lakh_Wg4

Madalang talaga kaming magchat ng ex asawa ko. Di kasi ako techy noon. In fact mas magaling si lyzander sakin magfacebook. Normal sakin na sa isang linggo magpapang abot kami sa messenger ng misis ko dalawa hanggang tatlong beses lang. Ang hindi normal yung hindi sya nagchachat ng halos isang buwan. Araw araw yan nag gogood morning breaksfast na kayo mahal, kain na ng tanghalian mahal, patulugin mo na mga bata mahal. Ganyan chat nya walang palya. Kaso nagtaka na ko nung isang buwan syang walang paramdam. Nag alala na ko kaya pumunta ako sa ex biyenan kong hilaw. Binungangaan ako agad. Wag daw akong mag aalala at magpapadala naman misis ko. Namura ko byenan ko pero sa sarili ko lang. Di ko habol ang padala. Kahit wala pa sa israel misis ko maginhawa buhay namin. Pagkauwi ko, minessage ko sya. Sunod na araw wala pa rin. Tatlong buwan di na talaga sya nagparamdam. Nagerald anderson ako. Ikaapat na buwan dun ko na napansin na nilalabas ng byenan ko mga anak ko pagbalik may mga groceries na sila at mga bagong damit na dala. Punta ako ulit. Nagkasagutan na kami. Tangina lang ako pa mukhang pera. Kinausap ko mga anak ko. Pero dahil mga bata pa sila wala talaga silang alam. Yung kumpare ko minsan dumalaw. Inaya ako mag inom. Nakwento ko sakanya ginagawa ng misis ko. Kinuha nya tablet ni lexy. Sabi nya gagawa kami ng dummy account. May gagawin sya. Hinayaan ko na lang. Nanood ako tv.
Kumpare : pare papuntahin mo sa nanay mo mga anak mo pasundo mo
Ako: bakit?

Kumpare: ayokong makita ka nilang umiyak pare sige na

Kinabahan na ko. Anytime din iiyak na talaga ako. Tangina kasi. Mga timawang mangloloko. Pinasundo ko sila sa kapatid ko. Kami na lang ng kumpare ko natira. Nilapag nya sa mesa cellphone nya at tablet ni lexy na pinaiwan nya. Nasa profile ng asawa ko yung kanya. Yung sa dummy naman, profile din ng asawa ko. Pero pinakita nya, kagagawa lang nung account.

Kumpare : nung nasa cyprus ako pre ganyan ginawa nila ester talino ng anak ko di ba im very proud. Para daw sure sila na wala akong ibang account na nakablock sila

Sa bagong account ng asawa ko may kasama syang ibang lalaki. Ang pangit. Di ako naglalalit dahil bitter ako pero ang pangit talaga kung kukumpara sakin. May nakalagay pa na link ng instagram. Clinick yun ni kumpare. At tangina hindi naka private. Ang sweet sweet nila. May naka caption, on the beautiful island of greece. Hanep. Ininom ko ng alak yung sakit. Sobrang sakit. Bakit ngayon pa nya naisipang tororotin ako di ba kung kelan anim na anak namin. Kwarenta na kaming pareho. Kinabukasan pumunta ako sa byenan ko sinabi kong alam ko na. Nakiusap ako na sana naman makausap ko si cel. Kung anong nagawa kong mali. Hindi yung ganito. Pero ginago pa nila ako. Inadd ng misis ko o tawagin na nating ex ko mga kamag anakan ko pinangangalandakan na may iba na sya. Nanay ko gusto ng kanyunin ex byenan ko pero pinigil ko sya. May isa lang akong pinagpapasalamat sa lahat ng kagaguhan nila, kaya nagpakatatag ako sa kabila ng mga  sunod nilang ginawa. Nung umuwi si ex kasama nung kabit nyang ulikba kinukuha nya sakin sila lexy. Ang mga anak ko hindi sumama. Nagwawala sila sa barangay. Ayaw nila. Papa sila nang papa. Yung kapitan sabi mga bata na nagdesisyon. Syempre ang unang hakbang nila nanay kumuha ng abogado. Ang kasunduan, di ko kakasuhan si cel, yung ex ko, sa pangtotorotot nya sakin kung hindi nya kukunin sakin mga bata. Walang palag. Yun pala may evil plan na byenan ko. Bff sila ni satanas. Follower naman nya ex ko. Top fan naman nya yung kabit.
Isang taon na kaming hiwalay at nagmomove on na ko nood nood na lang ako sa pornhub lagi. Nagsimula sa maliit na sugat sa leeg ko. Lumaki nang lumaki. Buong leeg ko na meron. Ako mismo nalalansahan na sa sarili ko. Nagpa check up ako sabi eczema. Sige reseta ng ointment. Kumalat sa baba ko. Pati sa loob ng tenga ko napunta na. Isang gabi sobrang nangati ako sa eggs. Punta akong cr maghuhugas sana. Pagbaba ko ng boxers ko nagnanana na. Iyak ako nang iyak. Tinawagan ko nanay ko. Nakatulog ako habang kinakantahan ako ni nanay. Kinabukasan, lahat ng tauhan ko sa lumber ultimong kahera ko, nagksakit. Gumaling lang sila nung isa isa silang nagresign. Isang buwan kaming nagsara. Nanay ko naghanap ng bagong mga tauhan. Tinulungan sya ng kumpare ko. Ako naman halos di na makatayo kasi sobrang sakit. Tatayo lang ako pag magpapacheck up. Mga anak ko nasa kapatid ko. Kasi natatakot akong mahawa sila sa galis ko. Sobrang sakit din pag naliligo ako. Kahit matalsikan lang ng tubig. Si nanay kumuha ng makakasama ko sa bahay. Babae. Di ko pinapansin talaga. Nagka phobia na ko sa physical na babae. Kahit nauubos na yung mga babasagin kong baso sa pagka clumsy nya di ko pa rin sya sinisita.
Natatae ako nun pinilit kong tumayo. Mula nung magkaganito ako, lagi ng nakasara bahay kahit umaga. Bukod sa nanay, mga kapatid ko at kay kumpare di ako humaharap. Nahihiya ako sa itsura ko. Madilim sa loob ng bahay. Syempre bahay ko kabisado ko. Pagliko ko sa banyo may nabangga ako. Si jaz, yung kasama kong kinuha ni nanay.

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon