Almost 3
I.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=513972306011044&id=218238752251069II.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=518412985566976&id=218238752251069Binisita ako ni boss. Sabi nya magbakasyon muna ako. Yung anak nyang panganay muna ang pagtitiisan nyang assistant nya. Binigyan nya rin akong bonus ko. Bait diba. Dumating si jack. Pero di sya nag-iisa. May kasama syang dalawa. Babae lalaki. Yung babae, si hot momma. Napaunat ako ng upo dugdug puso ko. Tamang tama lumabas anak ko sa kwarto may tinatanong tungkol sa assignment nya. Parang ang layo nya, naka focus lang ako dun sa babae. Bigla akong hinampas ni jack sa braso. "Musta na pre? Sinama ko mga tropa ko may inuman session din kasi kami dumaan lang ako sasaglit lang" nagmano sya kay papa. Ganun din yung dalawa. Anak ko nasa tabi na nung babae dun na sya nagpapaturo. "Pre si aron at shane mga tropa ko. Mga pards sya yung kwinikwento ko senyo. Tapos si sir"
Si boss ngumiti lang sakanila kausap nya si papa. Pero tumingin sya ulit dun kay hot momma na shane pala ang pangalan. Kumunot noo nya. "Excuse me parang kilala kita have we met before?" Tanong ni boss. Lipat tngin ni shane sa dalawang kaibigan nya. "Baka po sa malacañang sir. staff po ako dun" sagot ni shane. Mukha ngang kilala nya si boss. tinaas ni sir isang kamay nya tapos pumikit. Ganun sya pagka nagiisip.
"Anak ka ni captain........" Kamot ulo si shane tapos tumango. "Ikamusta mo ko sa daddy mo shane sabihin mo inuman naman kami tagal na nung huli naming jamming" nahihiyang tumango si shane. "Anton, mang tonyo aalis na ko dumaan lang ako dito para kamustahin si anton. Pgaling ka. Kung di ka naman mahihirapan ikaw na lang bahla sa mga emails, appointments ko everything that concerns the used of a computer and internet connection. Ang alam lang ni alvin...."
"Magtimpla ng 3in1 na kape" ako ng nagtuloy. Tumawa si sir. Si geneva iba tingin kay jack nung maghain ng meryenda. Bebot magnet tong si jack. Pero naka focus naman ako kay shane na giliw na giliw sa anak ko. Tinabihan ako ni jack habang kumakain ng ensaymada.
"Pre nakita mo pa yung babae? Sinabi na ba sayo ng papa mo?"
Kumunot noo ko. Tumingin ako kay papa. Bumuntong hininga sya. "Nahuli ng mga nakatambay yung nanaksak sayo. Ang sinabi nya di nya alam nangyari. Nanakbo lang sya kasi may dugo na bigla sa kamay nya. Hindi sya pulubi estudyante sya anak. Kahit ayaw ng mga pulis hinayaan ko na lang. Iyak nang iyak yung bata anak"
Napasandal ako sa upuan. Lumipat ng upuan si aron sa tabi ko. Pinalapit nya rin si shane. Eh wala ng uupuan. Muntik ko ng maturo mga hita ko kung di lang ako binatukan ni papa. Binulungan nya ko. "Anak ng captain yan gusto mong barilin ka?" Nangiti na lang ako. Mas lumawak nung sa armrest ng kinauupuan ko sya pumwesto.
"Kuya" tawag ni aron sakin. "Yung tula lalaki ba yun?" Tinignan ko si papa at geneva. Si geneva kinakausap si jack. Typical. Si papa bumuntong hininga. "Nakwento ko kay jack. Oo aron, si tula ay lalaki. Masugid na manliligaw ng asawa ko. Dahil sakanya at sa pamilya nya umalis si sally sakanila"
Humarap sakin si shane. Nakakunot noo. "Pero po kung lalaki si tula. Bakit ayon sa kwento ng hipag ninyo, babae yung nakita ng kapatid ninyo? Bakit din po ang nakikita ni anton babae at hindi lalaki?"
Natulala ako kay shane. Ang talino. Bakit nga ba? Si rigor na nakikinig biglang tumayo. Nag-iisip. Tapos may naalala ako. "Kapatid ka ni mama. Uncle kita. May alam ka ba?"
Humarap sya sakin. "Kapatid nya ko sa ibang ina di nila ako kasamang lumaki. Si ate sally lang din ang mabuti ang trato sakin. Katulad ng alam ng papa mo, ganoon din ang alam ko. Pero si gemma. Yung nanay ni rema sya talaga may alam"
Umiling ako. "Ayokong pumuntang mindoro. Ayokong iwanan sila papa dito"
"Di mo kailangang pumunta ng mindoro. Nag-aaral si venice at rema sa pup sta. mesa. Kuya tonyo lumipat kayo ng bahay. Makinig ka sakin. Kung ang pagkuha kay ate sally ang talagang pakay nya, bakit hindi nya tigilan si anton? Di tayo makakasiguro kung si anton lang ba ang pakay nya"
BINABASA MO ANG
[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorreurAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.