KABANATA 41

1.9K 41 0
                                        

Kabanata 41

            TULOY-TULOY ang naging paggaling ni Zero habang lumilipas ang mga araw. Bumalik ang kaniyang dating sigla at ngayon'y naghahanda na sila upang lisanin ang silid na ilang buwan niyang kinasadlakan.

Na una na si Tyson bitbitin ang mga gamit patungo sa kotse na sasakyan nila habang si Zero naman ay sumunod na din kay Tyson. Gusto nga niyang tulungan ang kaibigan sa pagbitbit ngunit hindi siya nito hinayaan. Magpa galing pa daw siya at mag relax na lamang.

Ang ama naman ni Zero ay nag-aayos sa pagbabayad ng bills at papel para sa kaniyang pag labas.

Matapos ang lahat-lahat, magkasama na sila sa kotse. Nasa backseat si Zero at Tyson habang nasa driving seat naman ang daddy nito upang manipulahin ang sasakyan.

"Dad, i'm excited to see mom," ani Zero sa ama matapos nitong simulang buhayin ang makina ng sasakyan.

Kumunot ang noo ni Zero nang makita niyang saglit na napabaling ng tingin ang ama niya kay Tyson sa salamin ng sasakyan  pagkatapos ay seryoso itong bumaling ng tingin sa kaniya. "Let's go home first."

Nag-iwan ng pala-isipan ang mga tinuran ng kaniyang ama. Buong biyahe sana si Zero na nag-iisip tungkol sa nasambit ng ama kung hindi lamang dahil kay Tyson na nagbukas ng kanilang pag-uusapan.

Sa ilang buwan niyang pamamalagi sa ospital ay napag-alaman niyang si Tyson ang naging katu-katulong ng kaniyang ama sa pagbabantay sa kaniya habang nasa state pa siya ng coma, paggising, hanggang ngayon.

He was so thankful that up until now, Tyson didn't leave his side. He stayed and cared for him. And that's what friends are for.

Ilang minutong biyahe, narating na rin nila ang bahay. Sa labas pa lamang hanggang sa pagpasok sa loob ay tanaw na ni Zero ang kanilang tahanan. I've missed this house, finally. I am finally comes back home.

Sumalubong sa kanilang tatlo ang iilang katulong habang nakangiti ang mga iyon. "Welcome back home, Sir." pagbati ng mga iyon sa kaniya at tanging pag ngiti lamang ang kaniyang naging tugon.

Pumasok na sila sa loob ng bahay. Doon pa lamang tanaw na ni Zero ang isang magandang disenyo kung saan naroon nakapaskil ang mga malalaking titik na sinasabing "Maligayang Pagbabalik Zero"

Maraming lutong pagkain ang mga naroon. Lahat sa kaniyang tanaw ay masasarap at batid niyang paborito niya ang lahat ng iyon.

Ang lahat ng surprise na iyon ay plinano ng kaniyang kaibigan kasama ang ama nito. But mostly lahat iyon ay plano ni Tyson sapagkat masyadong naging busy si Zach.

"Welcome back home, Zy." nakangiting turan ni Tyson at mahigpit siya nitong niyakap. Niyakap naman niya pabalik ang binata bago sila tuluyang nagkalas.

"Daddy, where's mommy?" niligid ni Zero ang kaniyang mga mata kapag kuwang sumanggi sa kaniyang isip ang taong isa sa naging dahilan ng kaniyang maagang paggaling.

Ang alam kasi niya sa mga k'wento ng kaniyang ama ay magaling na ang mommy niya. At sa kaniyang paggaling makakasama na niya itong muli.

Tumikhim ang daddy niya at lumapit sa harap niya. Buong walang pag-iwas na sinabayan nito ng titig ang titig niya. Seryoso ang mukha at makikita ang pangingilid ng luha. "Son," pagsisimula nito.

"Dad? Bakit ganiyan ang itsura mo? Asan si mommy?" naguguluhan na ang isip ni Zero and at the same time nakakaramdam siya ng matinding kaba sa bawat ikinikilos ng ama niya.

"Zero, i'm sorry," abot hanggang langit na paghinging tawad ng tawad ng kaniyang ama sa kaniya. "I'm sorry, i didn't mean to keep it from you."

"Dad, what are you saying? Tell me? Where's mom?" he started being emotional.

Love Me Harder DaddyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon