KABANATA 40

2.2K 30 2
                                        

Kabanata 40

            NAG-DAAN ang ilang araw, habang tumatagal palala ng palala ang sitwasyon ng ina ni Zero. Naging doble ang pagiging makakalimutin nito at mas nag triple pa ang pag-tangis at minsan pa nga hindi mapakalma. Kitang-kita sa mukha nito ang mabilis na pagpayat. Maitim ang ilalim ng mga mata nito dahilan na rin siguro sa stress na naidudulot ng sakit at ang palagiang pag-iyak.

Awang-awa si Zero habang araw-araw nakikita niyang nahihirapan ang kaniyang ina. Naging malaking epekto sa kaniya ang sinapit nito. Madalas inu-umaga na siya sa pag-tulog, walang ganang kumain, pagod, at minsan pa'y hindi na siya nakakapasok sa school. Anomang pilit siyang papasukin ng Ama ngunit pahirapan siya nitong mapapasok lalo sa tuwing kapag inaatake ng sakit ang mommy niya.

Naging madalang ang pag-uusap nilang dalawa ni Tyson, isa pa, wala siyang panahon para sa binata lalo't ang atensyon niya ngayon'y nakatuon kung paanong pag-a-adjust pa ang gagawin niya para sa ina.

Minsan nawawalan na siya ng pag-asa na gagaling pa ang ina. Sa araw-gabi na kasama niya ito nakikita niya kung paano ito mahirapan at magdusa. Kung paanong mas lalong lumalala ang sakit nito.

Pinunas ni Zero ang kaniyang pisngi matapos tumulo ang mainit na likido sa nagmula sa mga mata. Sinipat niya ang cellphone at doon'y napag-alamang alas tres pa lamang iyon ng umaga. Halos dalawang oras lamang ang naging pagtulog niya sapagkat lagpas alas dose y media na siya nakatulog at ngayon'y gising na naman ang diwa niya.

Walang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang pinakamamahal na ina. Iniisip na sana bukas paggising niya maayos na ang pakiramdam nito.. magaling na ang sakit nito. Na sana bukas paggising niya bumalik na ito sa dati. O di kaya sana isang araw gumising siyang panaginip lang ang lahat.

Sa murang edad, dahilan sa pagmamahal sa ina, mas doble ang naging sakit na naramdaman niya makita ito sa ganoong sitwasyon. Bakit kailangang humantong sa ganito?

Bumangon na si Zero sapagkat anomang pilit niyang ipikit ang mga mata ay hindi na siya muli pang dadalawin ng antok.

Isang silid lamang ang gusto niyang puntahan. At iyon ay walang iba kundi ang silid ng kaniyang mga magulang.

Daglian siya sa paglakad at ng makarating sa labas ng pinto ng kwarto ng mga ito, malalim ang paghugot niya ng paghinga. Dahan-dahan niyang pinihit pabukas ang pinto upang hindi mabulabog ang mga natutulog.

Tumambad sa kaniya ang mahimbing na natutulog na ina. Habang nasa tabi nito ang kaniyang ama na naka upo sa gilid ng kama.

Kitang-kita niya kung paanong hindi komportable ang ama sa pagkaka-upo. Antok na antok iyon ngunit pinipilit ang sarili na huwag daluhan ng antok.

Natutop ni Zero ang kaniyang bibig ng may mumunting ingay ang kumawala doon.

Alam ni Zero sa kanilang tatlo kung sino ang mas triple pang naaapektuhan. Iyon ay walang iba kundi ang kaniyang ama. Batid niyang ito'y salat sa tulog, sa pahinga, at sa pagkain but still he don't show it! Kapag kaharap niya ang ama nakangiti lamang ito sa kaniya. Positibo lamang ito na tila hindi apektado sa mga nangyare kahit ang totoo, apektadong-apektado ito.

Love Me Harder DaddyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon