KABANATA 42

2K 28 2
                                        

Kabanata 42

           EVERYTHING'S back to normal but not as normal as before. Nagkaroon ng malaking changes sa loob ng bahay, at bukod doon changes sa pagkatao ni Zero. Pakiramdam niya nawala ang kalahati ng kaniyang pagkatao simula ng mamatay ang mommy niya. Okay na siya at natanggap na rin niyang hanggang alaala na lang niya makikitang muli ang ina. Hanggang doon na lang ang lahat pero hinding-hindi niya ito malilimutan.

Tulad ng dati, bumalik na rin si Zach sa pagtatrabaho matapos ang ilang buwan pang pananatili sa loob ng bahay habang pinagsisilbihan ang kaisa-isang alaalang iniwan ng kaniyang pinakamamahal na asawa.

Halos malapit na rin naman ang bakasyon kaya wala ng masyadong ginagawa sa Zero sa school. Nakahabol na rin naman siya sa mga dapat habuling mga school activities, projects, and exams, at lahat ng iyon ay ng dahil sa tulong ni Tyson. Ito ang naging katuwang niya sa lahat kahit pa nga minsan pumapalya. Naging mas lalo silang malapit sa isa't-isa.

Madalas matagpuan si Tyson sa bahay ng mag-ama. Minsan pa nga ay nakakatabi niya itong matulog. Kulang na nga lang ay dalhin na ni Tyson ang mga gamit nito at doon na manirahan sa bahay ng mag-ama. Tulad na lamang ngayon. Maaga palang ay kumakatok na ito sa bahay ng gate nila at ng mapag-buksan, komportableng komportable na itong nagtungo sa loob ng k'warto ni Zero.

Inaantok pang napabalikwas ng bangon si Zero ng maramdaman niyang may humiga sa kama niya. Nothing knew. It's Tyson!

Pinandilatan niya si Tyson na ngingiti-ngiti pa. Tinalikuran niya ang binata at muling ipinikit ang mga mata.

"Gising na. Anong oras na. Hinihintay kana ng daddy mo sa labas, kanina pa naka handa 'yung pagkain!" tumapat pa ang bibig nito sa tainga niya at medyo may kalakasan ang naging pag-sigaw.

Medyo nabingi si Zero sa binata. At dahil sa inis bumangon siya at mabilis na kumubabaw kay Tyson. Pabiro niya itong sinikal sa leeg. "Hindi ka talaga titigil ha." sambit niya habang si Tyson naman ay tatawa-tawa habang nagpupumiglas.

Wala pang masyadong lakas ang katawan ni Zero kaya naging madaling lamang para kay Tyson na pagulungin ang katawan nilang dalawa. Ito naman ang nakakubabaw sa kaniya habang nasa pagitan ito ng mga hita niya. "Ano ha? Mahina ka pala eh." tudyo nito habang may kahigpitan ang naging paghawak sa kaniyang magkabilang braso.

Gustuhin mang pumalag ni Zero ngunit hindi na niya nagawa. Bagong gising siya kaya wala pa siyang lakas sabayan ang kaibigan. Lalo't higit na kahit may lakas pa siya ay sadyang hindi niya mapapantayan ang lakas nito.

Kapagkuwan ay nagtama ang mga mata nilang dalawa. Ewan baga sa nararamdaman ni Zero kung bakit ng saktong mapatama ang titig niya sa mga mga mata ni Tyson ay bigla-bigla na lamang siyang napapatigil. Animo may hipnotismo ang bawat titig ng binata kaya agaran siyang nadadarang.

Nawala siya ng ilang segundo sa kaniyang sarili. Basta lamang siyang nakatingin dito habang pinagmamasdan ang nakakalunod na mga mata ni Tyson. Nakatitig lamang siya dito hindi kumikibo batid niyang ganon din naman si Tyson. Tila napako silang dalawa sa kapwa kinapu-p'westuhan.

Ramdam ni Zero ang bawat mabibilis na paghinga ni Tyson. Tumatama sa kaniyang mukha ang hininga nito. It smells like fresh mint, ang bango at somehow he was tempted to kiss him. Gustong gusto siyang udyukan ng kaibuturan ng kaniyang pagkatao na halikan ang mga labi ni Tyson at bago pa man mangyare un. Nag iwas na siya ng tingin. "Umalis kana dyan. Mag to-toothbrush na ako," palusot na aniya.

Umalis naman ito sa pagkakakubabaw sa kaniya, "dapat ka lang talaga mag toothbrush. Baho na ng hininga mo," ani Tyson taliwas sa naamoy niya kay Zero.

Daglian ang naging pagbangon ni Zero sa pagkakahiga. Agad agad siyang nagtungo sa loob ng cr sa k'warto niya lalo't gusto niyang iwasan ang naging tagpo nila kanina ng binata. Sobrang bilis ng pagtibok ng kaniyang puso sa puntong tila kakawala na iyon sa kaniyang dibdib.

Love Me Harder DaddyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon