KABANATA 45

2K 24 1
                                        

Kabanata 45

            NAKA ILANG pabaling-baling si Zero sa kaniyang kama. Hindi siya nakakaramdam ng antok, patuloy parin sa kaniyang isip ang ilang mga bumabagabag doon. Ang kaniyang desisyon kung tutuloy ba o mananatili. Tapos heto't dumagdag pa si Tyson sa kaniyang isipin.

Pasado alas diyes na ng gabi pero heto parin siya't umaasang darating iyon.

Zero, tumulog kana! May emergency sa bahay ni Tyson kaya hindi 'yon nakabalik. 'Wag na masyadong maraming iniiisip. Bulong ng kabilang panig ng kaniyang isip.

But still he choose to get his phone to check his messages. There's no signs of Tyson's messages. Nothing at all.

Walang na binitiwan ni Zero ang cellphone at tumagilid patalikod dito.

Kanina pa niya naiisip na tawagan o 'di kaya naman ay mag reply kay Tyson, pero hindi niya ginawa. Ego and pride, iyan ang pina-iral niya.

Binalot ni Zero ang kaniyang katawan kapag kuwan na nakaramdam siya ng panlalamig. Bahagya na ring sumasakit ang kaniyang ulo na kalaunan naging dahilan ng kaniyang pagtulog.

***

Mataas na ang sikat ng araw nang siya'y magising. Bahagya ang pananakit ng kaniyang ulo at mas tumindi ang nararamdaman niyang panlalamig.

Masama ang kaniyang pakiramdam. Nilalagnat siya. Nakuha niya siguro ang lagnat noong maghapong niyaya siya ni Tyson sa pangingisda.

Pinapanghina ang katawan ni Zero at ganon na lamang ang matinding panlalamig.

Hagyang napapihit si Zero sa pinto ng k'warto niya ng marinig iyong may kumakatok.

"Sir," tawag ng katulong sa labas habang patuloy parin ang pagkatok.

Pinapanghina man at tinatamad mang bumangon si Zero ay pinilit niya ang sarili. Matapos makarating sa pinto ay agad niya itong binuksan.

"Sabi ho ng daddy niyo, gisingin kona po kayo. Baka daw ho kasi lumamig ang niluto niyang pagkain." anang katulong.

"Asan si Daddy?" kapag kuwan ay tanong niya.

"Naka alis na po."

"Sige, itabi niyo na lang po 'yung pagkain. Hindi pa ako nagugutom, mamaya na lang po ako kakain." Zero forced himself to smile.

Napatango-tango na lamang ang katulong bago iyon tuluyang umalis.

Sinarado niya ang pinto at muling bumalik sa higaan. Binalot niyang muli ng kumot ang kaniyang katawan. Hinanap pa niya ang remote ng aircon upang bawasan ang temparatura ng lamig na ibinubuga nito.

He goes checked on his phone for messages. He look frustrated after seeing no signs of message coming from his friend.. coming from, Tyson.

It's already ten in the morning but still no signs of Tyson. Where is he? Where is he right now?

Imbis makaramdam ng inis sa binata ay mas nanaig sa kaniya ang pag-aalala. Kahapon, bago sila maghiwalay nasambit nito na may emergency sa bahay ng mga iyon. Ito rin siguro ang dahilan kaya hindi ito nakapag bigay mensahe sa kaniya. At kaya hindi na rin nakabalik.

Ganoon na ba talaga kabigat ang emergency nito? Kasi sa pagkakaalam niya maga-update at maga-update sa kaniya si Tyson anopaman ang kinabu-busyhan nito.

Marahas siyang nagpakawala ng buntong hininga. Binitiwan na niya ang cellphone at muling pwinersa ang sariling makatulog.

Dala ng lagnat at panghihina ng katawan mabilis lang siyang dinalaw ng antok.

Palubog na ang araw at hindi na niya iyon namalayan ng siya'y makagising. Bahagya parin ang pananakit ng kaniyang ulo at ang matinding pag-iinit ng kaniyang katawan at panlalamig ng kaniyang pakiramdam dala ng lagnat.

Love Me Harder DaddyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon