Kabanata 33
FOCUS sa panonood si Zero sa kaniyang kaibigan. Kung paano nitong naiiwasan ang mga kalaban na huwag maagaw dito ang bolang dinadala at mai-shoot sa ring ng basketball court.
Ilang beses na rin nakaka shoot ang kaniyang kaibigan na naging dahilan upang lumamang ang score ng grupo nito sa kalabang grupo. Heto na naman nga at hawak na naman ni Tyson ang bola. With a sprint and a side step, upang maka-iwas sa kabalan na huwag makuha sa kaniya ang bola. With a quick jump, itinapon ni Tyson ang bola sa ring habang nasa three point area. And with that, na shoot ang bola sa loob ng ring.
Bumaling sa kaniya ng tingin si Tyson at nakangiting kumindat sa kaniya. Naramdaman na lang niya ang pamumula ng pisngi. Pakiramdam tuloy niya ay gusto na lang niyang kainin ng lupa. Lalo't pinagtitinginan na rin siya ng ibang manonood. Sinusuri kung siya nga ba ang kinindatan ng binata.
Agad na lamang siyang nag iwas ng tingin at nagpatay malisya.
Nasapo ni Zero ang kaniyang dibdib ng makaramdam ng pagbilis ng tibok ng kaniyang puso.
Tch! This f*cking heart!
Hindi na tuloy nakapag focus si Zero sa kaniyang panonood. Nalaman na lamang niyang tapos na pala ang laro ng lumapit na si Tyson sa tabi niya.
"Ano nag enjoy kaba? Di'ba sabi ko sa'yo magaling ako?" anito.
Zero just rolled his eyes. "Tayo na. Pinagpapawisan lang ako sa kahanginan mo."
"Baka naman pinagpapawisan ka kasi hot ako?" Tudyo ng kaibigan.
Napunta ang tingin ni Zero sa pawisang katawan ng binata. Somehow may something siyang naramdaman na hindi niya agad maipaliwanag. Tumuon ang mata niya sa pantaas ng binata, pababa sa tiyan nito.
Agad niyang iniwas ang tingin ng makabawi sa kakaibang naramdaman.
What the fuck, Zero? Ano ba ang iniisip mo!
Hindi niya akalaing sasanggi sa utak niya ang magandang hubad na katawan ng kaibigan. At hindi ito maganda sa isip niya!
Tumayo na si Zero at nagsimula ng maglakad. "Tayo na." pag aya niya sa kaibigan.
Habang nasa loob ng sasakyan habang binabagtas ang daan pauwi ay walang humpay si Tyson sa pagku-k'wento nito sa mga nangyare. "Nakita mo 'yung three points ko kanina? Hindi kona mabilang kung ilan 'yung nagawa kong three points." masaya nitong pagmamayabang.
"Basic lang naman 'yon." Ganting pagmamayabang ni Zero.
"Hmm.. bakit marunong kaba?" tudyo ng kaibigan. "Hindi ka naman naglalaro."
Natawa na lang si Zero at napa iling-iling. "Whatever."
Ilang minutong biyahe bago sila nakarating sa paroroonan. Sa bahay ni Zero. Hinatid nga siya ni Tyson.
Bumaba na siya ng sasakyan matapos magpasalamat sa kaibigan.
"Zero, wait." Narinig niyang sambit ng kaibigan kaya tumigil siya sa paglakad at hinarap ang binata na ngayo'y nakalabas na rin ng sasakyan.
"Ano?" tanong niya.
"Hmm. Wala." ani Tyson, "ingat ka. Bukas ulit."
Nagulat na lamang si Zero ng biglang pag-akap sa kaniya ng kaibigan. Ramdam na ramdam niya ang nag-iinit nitong katawan at ang pagdikit ng pawis nito sa kaniyang balat. Ngunit hindi iyon ang mas naka tuon sa kaniyang pansin. Kundi ang amoy nito. Mas lalong bumango ang katawan ni Tyson ganoong pawis na pawis ito sa paglalaro.
Ganoon ba talaga ito pagpawisan? Mas lalong bumabango?
Dumating ang gabi at sumapit ang umaga. Halos magdamag bukas ang ulirat ni Zero at anong oras na rin siya nakatulog kaya heto siya't pupungas pungas na binuksan ang mga mata. Inaantok pa siya. Gusto pa niyang matulog, but somehow naiibigan niyang pumasok. Wala rin naman siyang gagawin sa bahay.
BINABASA MO ANG
Love Me Harder Daddy
RomanceLoving my adoptive father was one of the hardest things my heart decided to do.
