KABANATA 48

1.9K 20 1
                                        

Kabanata 48

          HATID NI Zach si Zero kina-umagahan sakay ng kotse patungong airport. Ito na ang araw ng paglisan ng anak. Gustohin man niyang manatili ito sa tabi niya at makasama pa hanggang sa makapag tapos ito ng pag-aaral at makapag trabaho. Ginusto ni Zero ang lahat. Nag desisyon itong doon na lamang mag lagi sa America kaya bilang isang ama. Susuportahan niya ang anak sa abot ng kaniyang makakaya.

Mas mabuti na rin na naroon si Zero sa America. Batid niyang mas maalagaan ito ng pamilya ng kaniyang namayapang asawa kaysa dito mag tigil ang anak sa piling niya.

Batid ni Zach sa sarili na hanggang ngayon hindi parin niya nalilimutan ang asawa. May kirot parin sa kaniyang puso at sobrang nasasaktan parin siya sa tuwing maiisip ito. Tila nga ba'y hindi na ito nawala sa isip niya.

Pakiramdam ni Zach nawala na ang dating Zach. Pakiramdam niya'y sumama na kay Pia sa kabilang buhay ang kabiyak ng pagkatao niya. He feels empty, at talagang nabubuhay lamang siya para sa anak. Kumikilos para sa anak at nagtatrabaho para sa anak.

Kung wala na siyang pinanghahawakan pa para mabuhay. Baka maaga palang sumunod na siya sa asawa. Upang muli ay magkasama na sila.

Paminsan-minsan sinisipat ni Zach ang anak. Tahimik lamang ito sa backseat habang ang tingin ay nasa bintana ng sasakyan. Malayo at malalim ang iniisip.

"Anak, ayos ka lang?" tanong niya dahilan para mapatingin ito.

Pilit ang naging pag ngiti ni Zero bilang tugon kaya hindi na iyon muli pang inusisa ni Zach.

Kay bilis ng panahon. Ngayong araw na ang paglisan ng anak. Gusto ni Zach bumagal ang oras para kahit papa'ano makasama pa niya ng mas matagal pa ang anak.

Nakakatuwa lang isipin. Kapag gusto mong bumagal ang oras ay siya naman itong nararamdaman mong bumibilis. Kapag gusto mo namang pabilisin ang oras, saka naman itong bumabagal. Kailan ba aayon sa kanila ang lahat?

Hindi napag bigyan si Zach sa kaniyang gusto. Bagalan pa man niya ang pagpapatakbo ng sasakyan ay nakarating din sila agad sa airport.

Bumaba na si Zero matapos niyang maiparada ang sasakyan. Ganon din naman ang ginawa niya. Kinuha niya ang bagahe ng anak at siya na ang nagbibit hanggang sa makapasok.

Smooth ang lahat. Walang naging sagabal kaya tanging oras na lang ang kaniyang hihintayin upang sumakay na sa eroplano.

Gusto pa sanang manatili ni Zach at samahan ang anak hanggang sa pag-alis. Gulat na lamang niya ng magsalita ang binata.

"Dad, you can go. I can handle this on my own." Zero said.

Bahagyang nasaktan ang damdamin ni Zach sa mga narinig pero ngumiti parin siya. Wala naman siyang pangamba dahil marunong namang mag biyahe ang anak at tinuruan nila. Sa tagal na nilang pabalik-balik sa America at turuan ang anak sa pagbabiyahe ay wala lang iyon para kay Zero. Malaki ang tiwala niya rito.

Pinilit ni Zach ngumiti kahit bakas ang kirot sa kaniyang dibdib.

He's really a grown up man. Hindi maaaring sisihin ni Zach si Zero kung bakit siya nasaktan sa sinabi nito. Pilit parin kasi niyang isinisiksik sa isip na munting paslit pa ang anak. Kahit alam naman niyang binata na ito.

"Mag-iingat ka. Mahal na mahal kita anak," nilapitan niya si Zero at hinalikan ito sa noo. Batid niya ang pag-iwas nito ngunit tinuloy parin niya.

Pumihit na siya patalikod at mabibigat ang hakbang papalayo sa anak.

Medyo malayo na siya ng muli niyang nilingon ang anak. Mapait siyang ngumiti ng makitang hindi man lang siya nito nilingon ng kahit konting saglit. Siguro nga'y binata na talaga ang isip nito.

Love Me Harder DaddyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon