KABANATA 35

2.4K 37 1
                                        

Kabanata 35

        PAGKATAPOS KUMAIN heto't niyaya si Zero ni Tyson sa tabing dagat. Maglakad lakad daw sila para bumaba ang kanilang kinain. Wala din namang ibang magawa si Zero kaya sumama na rin siya. Lalo't gusto niya rin makapag libang libang.

Maganda ang asul na dagat at bughaw na ulap. Hindi masyadong masakit sa balat ang init kahit pa kaya katanghaliang tapat. Masarap din ang malamyos na hangin na dumadampi sa kaniyang balat. Maaliwalas at masarap sa pakiramdam.

Nasagot ang pagtataka ni Zero kung bakit walang tao resort. Marahil siguro'y kagagawan iyon ni Tyson. Lalo't darating ang mga kaibigan niyon kaya kinansela ang lahat ng booking ng mga taong nagbabalak lumagi dito.

"Ang ganda dito 'no?" ani Tyson.

"Yeah, it's peaceful and yet beautiful." sagot niya.

"You like it here? P'wede tayong pumunta dito. Anomang oras. Ipapakansel ko ulit kay Daddy ang mga booking para masolo natin ang lugar."

Napaismid na lamang si Zero. "Sira ka. Edi kayo naman ang nalugi."

"It's okay. You don't need to worry. If you like it here, we'll be there anytime you like."

Gustong makita ni Zero sa mukha ng binata na binibiro lamang siya nito. Ngunit sa itsura ng mukha nito wala siyang nakikitang nagbibiro ito. Seryosong seryoso ang kaibigan sa puntong napapaisip na lamang si Zero. Ganoon ba siya ka espesyal para dito?

"Alam kona." pagpukaw ni Tyson sa pag-iisip ni Zero. "Mag kayak tayo. I know magugustuhan mo 'yon."

Nakunot ni Zero ang kaniyang noo. Kayak? He don't even know what kayak is. Ganunpaman ay sinundan na lamang ni Zero si Tyson sa pupuntahan nito.

May kinausap lamang si Tyson tungkol sa kayal na tinutukoy nito.  Maya mayapa ay pinagtulungang dalhin ng mga tauhan ang kayak na tinutukoy ng kaibigan papunta sa dagat. Doon nalaman ni Zero ang kayak na tinutukoy nito. Isa iyong parang bangka na walang katig o 'yung nagsisilbing balanse sa bangka.

"Come on. Let's go."

This is Zero's first time riding a crystal kayak. Nasa unahan siya habang nasa likod naman si Tyson naka pwesto na siyang nagsasagwan upang umalis sa kinatatayuan ang kanilang sinasakyan. Magkaharapan silang dalawa sa isa't-isa.

Payapa ang dagat. Mahina ang mga hampas ng alon kaya naging maganda ang daloy ng kanilang paglalakbay.

Maligayang maligaya si Zero sa mga nararanasan.

"Ang ganda ng tubig. Transparent pala itong kayak 'no? Kitang kita ang ilalim." He said amazed.

"It's called crystal kayak. You like it?" ani Tyson habang patuloy parin sa pagsasagwan.

"I love it! I like it here. Ang ganda." hindi man sabihin ni Zero ay talagang kitang-kita sa kaniyang mga mata. Kitang kita doon ang kasiyahan at pagkamangha.

"Buddy, there's a fish! May isda! Sa ilalim! Ang ganda!" kung p'wedeng magtatalon ay baka kanina pa nagtatalon si Zero sa kaniyang mga nakikita sa ilalim ng transparent na kayak na sinasakyan nila. Magaganda ang kulay ng mga isda sa ilalim ng dagat. And he loves it so much.

"Marami talaga niyan dito. Nung unang punta ko din dito. Napatalon nga ako nang makakita ako ng isda. Without knowing na hindi pala ako marunong lumangoy. Kung wala akong kasama baka namatay na ako." matawa tawang k'wento ng kaibigan.

"Baliw ka pala!" natawa na rin siya sa kwento nito. "Baka hanggang ngayon hindi kapa rin marunong lumangoy?" tudyo niya.

"No. Marunong na ako. Simula noon nagtuto na ako. Ikaw marunong ka?"

Love Me Harder DaddyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon