Kabanata 39
THE MOMENT Zero recieved his father's calls ay madali na siyang nag intindi at inaya ang kaibigan pauwi. Nag-aalala siya sa tono ng boses ng kaniyang ama. Wala itong ibang sinabi kundi ang umuwi na "daw" siya.
"Zero, relax. Makakarating din tayo roon," hinawakan ni Tyson ang likod niya at bahagyang hinimas-himas upang pakalmahin. "Kuya Kurt, paki-bilis ng pagmamaneho," ani Tyson sa driver ng kotse. Ito 'yung naghatid sa kanila sa resort at ito rin ang mag da-drive sa kanila pauwi. Pinagbawalan na kasi si Tyson magmaneho ng daddy niya lalo't malayo pa ang biyahe kaya hindi hinayaang si Tyson ang magmanipula ng sasakyan.
Mahigit ilang oras din sila sa biyahe, dagdag na rin na may kalayuan talaga iyon idagdag pa ang traffic. Medyo hapon na ng sila'y makarating bago tuluyang naihatid si Zero sa mismong labas ng gate ng bahay nila.
"Balitaan moko ha,"
Pumasok na sa loob ng gate si Zero. Kinakabahan siya kaya madali ang bawat pag-hakbang na ginawa niya. Agad hinanap ng kaniyang mga mata ang daddy niya.
"Daddy? Where are you?" nang hindi niya ito matagpuan sa mga sulok ng bahay ay agad niyang dinaluhan ang silid ng mga magulang. Dahan-dahan niyang pinihit pabukas ang pintuan ng silid. Tumambad sa kaniyang mata ang daddy niyang naka-upo sa gilid ng kama habang ang mommy naman niya'y nakaratay doon at mahimbing na natutulog. Nakatitig lang ang daddy niya sa mommy niya habang hinahaplos nito ang may kahabaan ng buhok.
"Dad?" pagpukaw niya sa atensyon ng ama dahilan para mapatingin ito sa gawi niya.
Nakita niya ang agarang pagpunas nito ng mga luha at ng maging ayos na ito ay muli siyang hinarap. Nakangiti na ang mga labi nito ngunit hindi ang mga mata.
"Tara sa labas, doon tayo mag-usap baka magising ang mommy mo," anang ama.
Saglit na sinulyapan ni Zero ang mommy niya bago tuluyang makalabas.
Inilapag niya ang dalang gamit at hinarap ang ama.
"What happened, daddy?" agaran niyang tanong dahil ngayon palang gulong-gulo na ang isip niya.
Narinig ni Zero ang pag buntong hininga ng ama. Kitang-kita niya kung paano nito pinipigilan ang emosyon.
"May sakit ang mommy mo," panimula nito na ikinagulantang niya. Halos lukuban siya ng labis-labis na pag-aalala. "S-She..," hindi maituloy ng ama ang sasabihin nito sapagkat pinipigilan nitong huwag lamunin ng emosyon. "She was diagnosed with Alzheimer's disease.." sa tono ng pananalita ng ama ay tila isang malalang sakit ang nabanggit nito.
Honestly he had no idea kung ano ang sakit na nabanggit ng ama. Pero ganon pa man alam niya sa kinikilos ng ama na ang sakit na nabanggit nito ay malala.
"Malala na ang sakit ng mommy mo. Saka ko lang nalaman ng ipatingin ko siya sa doctor. May alzheimer's disease ang mommy mo." nakita ni Zero ang butil ng luha na pumatak sa mga mata ng ama. Mabilis nitong pinunas at umaktong matatag sa harap niya. "Maraming bagay ang nakakalimutan niya. Even person at much worse baka pati tayo makalimutan na niya. But don't worry. I'll do everything. Gagawin ko ang lahat para gumaling ang mommy mo."
Zero was still in shocked. Tila parang may kung anong karayom ang tumusok sa puso niya.
"D-Dad? Is—is it bad?" Zero was starting to cry. A tears scapes his eyes.
"She'll be alright.. she will be.." lumapit si Zach kay Zero at niyakap ang kaniyang anak. "All we need to do is to treat her as if she's not sick. We have to be more patience and understandable. Iparamdam natin sa kaniya na walang mali, at higit sa lahat, iparamdam natin sa kaniya na mahal na mahal natin siya. Ayos ba 'yon anak?"
BINABASA MO ANG
Love Me Harder Daddy
RomansaLoving my adoptive father was one of the hardest things my heart decided to do.
