Kabanata 37
PALUBOG NA ang araw ng matapos makapa-ligo si Zero at makapag palit. Tapos na ring maligo at makapag bihis si Tyson. Tinutuyo na lang nito ng tuwalya ang basa nitong buhok.
"Tyson, 'yung mga kaibigan mo? Darating pa ba? Hapon na eh. Bakit wala pa sila?" ma-usisang tanong ni Zero matapos sumanggi sa kaniyang isip. Kanina pa kasi dapat narito ang mga inimbitahang kaibigan ni Tyson pero hanggang ngayon wala parin ang mga iyon. Marami na ngang naganap sa kanila dito sa resort pero hanggang ngayon hindi parin niya nasisilayan ang mga kaibigan nito.
"Ahhmm" Tyson cleared his throat. "I'll go check my phone." dinampot nito ang cellphone at kinutingting iyon bago muling bumaling ng tingin sa kaniya. "Oh, they can't make it." he said.
Nakunot ni Zero ang noo. "Why? Di ba sila ang niyaya mo?"
"Emergency" tipid na sagot ni Tyson. "By the way tara sa labas. Nagpa handa ako ng makakain natin." tila gustong baguhin ni Tyson ang pinag-uusapan.
Walang nagawa si Zero kundi ang sumunod kay Tyson. Medyo gutom na din naman siya at talagang napagod sila sa ginawa.
Medyo nahiya lang si Zero ng makita ang set-up ng dining table. Isang medyo may kalakihang lamesa na may dalawang magkatapat na upuan habang nagsisimula na ang mga iyon sa pag-se-serve ng pagkain.
Why does it looks like a dinner date?
"Tara."
Ang weird lang para isipin. Bakit kailangan maging ganito ang set up. Parang dinner date, hindi ba p'wedeng normal na hapagkainan lamang? Bakit kailangang may palamuting ilaw? Bakit kailangang ganito kaganda ang set-up. Nahiya tuloy si Zero. Baka isipin ng mga nagse-serve sa kanila ng pagkain ay mayroon silang relasyon higit pa sa magkaibigan. Tch!
"Suit yourself, Zero. May tatawagan lamang ako." pagpapaalam ng binata.
Naiwan si Zero sa hapagkainan at hinintay niyang ang pagbabalik ng kaibigan. It looks weird lang kasi matapos itong bumalik eh malayo palang nakangiti na sa kaniya. Weird!
"Let's eat," pag aya ni Tyson at doon'y sinimulan na nilang kumain.
Hindi naging awkward ang lugar at hindi din naging awkward ang pag-uusap nilang dalawa. Parang dati lang. Walang hiyaang nararamdaman. Tyson did not bring up anything about what just happened so was he did. Tila usap kaibigan lang ang gusto nito at iyon na lang ang sinakyan niya. Kesa naman magkahiyaan pa sila kung sakaling mapag-usapan nila ang mga bagay patungkol sa nangyare.
Matapos kumain ay niyaya si Zero ni Tyson sa tabing dagat. May sapat namang ilaw doon kaya hindi naging mahirap sa kanila ang paglalakad sa dilim lalo't ngayong tuluyan ng kinain ng kadiliman ang liwanag.
Malayo palang tanaw na ni Zero ang isang malaking tent at sa tabi niyon malayo-layo ay may silab na apoy. A bonfire.
"Let's go. Pinahanda ko ito kay Manong Juls. It's for us—i mean para sating lahat sana. Hindi lang natuloy 'yung mga kaibigan ko." ani Tyson.
Naikunot na lamang ni Zero ang kaniyang noo. Para sa kanilang lahat? Bakit iisa lang ang tent? Magsisiksikan sila? Sa pakiwari niya'y isa o dalawang tao lang ang kasiya doon. Gayunpaman ay hindi na siya nag-usisa.
Umupo siya sa kahoy sa tabi ng apoy. Dinadama ang init na taglay niyon habang sumisimoy naman ang malamyos na huni ng hangin sa dagat.
"This will be fun, kung meron tayong iniinom. D'yan ka lang kukuha lang ako."
Hindi pa man nakakasagot si Zero ay tuluyan ng umalis si Tyson. Mag isa na siyang iniwan.
Inilahad niya ang palad medyo malapit sa ningas ng apoy upang kahit papano ay madampian ng init ang nagsisipag lamig niyang mga palad. Ganoon lamang ang kaniyang ginawa hanggang sa dumating si Tyson. Dala nito ang isang bote ng alak at dalawang champagne glass. "Good thing palaging may stock ng alak dito." Inilapag nito sa buhangin ang bote ng alak habang ang isang baso naman ay ibinigay sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Love Me Harder Daddy
RomanceLoving my adoptive father was one of the hardest things my heart decided to do.
