KABANATA 51

1.9K 16 0
                                        

Kabanata 51

         NAPABALIKWAS ng bangon si Zero ng marinig niya ang ilang pagkatok sa labas ng pinto ng tinutuluyang k'warto at sinabayan pa iyon ng mahihimigang tinig ng Lola.

"Hijo, bangon na samahan moko mag zumba." anang tinig ng Lola.

Napangiti na lamang si Zero at binuksan ang pinto.

Bumungad sa kaniyang harapan ang matanda. She wore zumba outfit. He looks so young and energetic.

"Wow, lola. Mukha kang bata dyan sa suot mo."

"Mag intindi kana ng sarili. Samahan moko mag zumba. It's my daily routine. Kailangan mokong samahan." she sounds demanding.

"Aye, aye, Lola." sumaludo pa ang pilyo.

"Siya't hihintayin kita roon sa sala. Bilisan mo ng kilos hijo." anang matanda bago nito siya tinalikuran at umalis.

Napapangiti na lamang si Zero sa pagiging aktibo ng lola niya. Para bang hindi nagkasakit ang matanda at mukha parin itong healthy, pero sa kabila niyon. Kailangan parin talaga nito ng makakasama sa bahay, just in case something happen.

Muling ibinalik ni Zero ang pagkakasara ng pinto. Mabilis ang kaniyang bawat kilos, sa pag-to-tothbrush, maging sa paghihilamos. Nag bihis na rin siya ng sando at short pagkatapos ay lumabas na siya.

Naabutan niya ang matanda na nag i-istretching na. Ginagalaw-galaw ang bewang at animo'y winiwisik wisik ang kamay.

"Ano lola, game na?"

Ngumiti ang matanda at ilang segundong tumitig sa kaniya. "Ahay, ka guwapo talaga ng apo ko." lumapit ito sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Bahagya pa siyang yumuko upang maabot siya ng matanda.

Malawak ang sala kaya hindi iyon naging sagabal sa ma uukupa nilang espasyo.

The exercise activity video started to play in a flat screen. Sinasabayan lamang nilang dalawa ng matanda ang nasa video.

Zero expected it was a zumba, but it is more like stretching.

Napapangiti na lamang si Zero habang paminsan-minsan tinatapunan niya ng tingin ang matanda. Aktibo kasi ito at seryosong-seryoso sa ginagawa. Minsan ngi-ngiti o tatawa sa tuwing hindi masasabayan ang pinanonood.

"Five, six,—five, six,—five, six, seven, eight,—one, two, three, four, five, six, seven, eight," voice tutorial in the video. "Eight, seven, six, five, four, three, two, and one."

Sinundan lamang nila ang bawat step sa video. Ni hindi na nga nalamayan ni Zero na nanonood pala sa kanila ang pinsan na panay-panay ang mahihinang pagtawa.

Ilang minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang natapos. "Pinagpawisan ako roon ah." anang matanda. "Ikaw hijo?"

"Medyo, la." sagot niya.

Na-upo muna ang matanda upang magpahinga ng konting saglit. Umupo na rin si Zero.

"I didn't know you were good at dancing." Eithan teased Zero after coming out. He sat beside Zero.

"Magkaiba ang dancing at exercise." Zero rolled his eyes.

"Whatever. By the way, i already prepared food for us. Let's eat." ani Eithan.

Kumunot ang noo ni Zero. "You know how to cook?" he asked.

"Not quite. But yes. Natuto na rin akong magluto dahil kay Lola. Ako kasi madalas nag pe-prepare ng pagkain niya. 'Di ba 'la?"

"Ay huo naman. Siya ang munting paslit na taga luto ko sa bahay na ito." anang matanda.

Bahagyang nagtaas kilay ang binata. "I'm not a kid anymore, 'la. I'm a grown up man," he said while flexing his muscle and abs. "See?"

Love Me Harder DaddyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon