KABANATA 38

2.1K 30 1
                                        

Kabanata 38

           ANG kondisyon ni Pia habang lumilipas ang mga araw ay mas lalong lumala. Mas maraming bagay na ang madalas niyang makalimutan. Halos takot ang lumulukob sa kaniyang buong pagkatao araw-araw at gabi-gabi. Hindi siya makatulog kakaisip sa kondisyon at kalagayan niya.

Heto umagang-umaga panay panay ang bagsakan ng mga luha sa kaniyang mga mata. Gusto na niyang umuwi sa bahay ng kaniyang pamilya. Makasama si Zero at ang kaniyang pinakamamahal na asawa, pero ano't nalimutan niya ang daan pauwi. Hindi niya alam kung saang direksyon niya ipipihit ang sasakyan. Halos pakalmahin na niya ang kaniyang sarili ngunit talagang hindi iyon kumakalma. How can shee forget her way back home? How can she forget everything?

Marami ng sasakyan ang bumobosena sa kaniyang likod. Nag ca-cause na rin kasi siya ng traffic dahil naka tengga lang ang sasakyan niya sa gitna hindi alam kung saan ipipihit. Kung siya ba'y kakanan o magtutungo sa kaliwa.

Mabilis na pinunas ni Pia ang mga luha sa kaniyang pisngi. Nanginginig man ang kaniyang kamay sa pagpihit ng manubela pakanan ay pinilit niya. Pagkatapos ng may makita siyang maaring pagparadahan ay mabilis niyang ipinarada ang sasakyan.

Nagkukumahog siyang hinahanap ang cellphone sa loob ng bag. At ng makita agad niya itong binuksan at tinawagan ang pinakamamahal niyang asawa.

"Z-Zach," garalgal ang boses niya at doon tila isang batang inagawan ng laruan dahilan para bumuhos ang malakas na pag tangis.

"Pia? What's wrong? What happen?" Halos bakas ang pag-aalala sa boses ng kausap.

"Z-Zach, gusto konang umuwi. S-sunduin mona ako." halos basag ang tinig ni Pia sa labis labis na pag-iyak. "I don't know the way back home. I'm inside the car. Please. I want to go back home. Help me, please." halos magmakaawa si Pia habang kausap ang asawa.

Naguguluhan man si Zach habang nag-aalala ay mabilis siyang umalis sa pinag-tatrabahuhang lugar. Isa lang ang nasa isip niya. Kailangan ng tulong ng kaniyang asawa at kailangan siya nito.

"Honey, you still there?" tanong niya matapos makapasok sa sasakyan at paandarin iyon. Sumagot naman ang asawa sa kabilang linya habang patuloy parin iyon sa pag-iyak. "Where are you? Where can i find you?" puno ng pag-aalala ang boses ni Zach.

"I-I don't know. I don't know. Hindi ko alam. Hindi ko matandaan. Narito ako sa loob ng kotse ko at hindi ko alam kung nasan ako. Zach, i'm scared."

Fuck! He cursed! How can he find her? Hindi niya alam kung nasan ito. Saang sulok niya hahanapin ang asawa. What is wrong with his wife? What is wrong with her?

"Pia, calm down. I'll be there, don't be scared. I'll be there. Wait for me." pilit niyang pinapakalma ang boses kahit maging siya ay hindi magawang kumalma.

He's being negative thinking about so much what if's.

Mas lalo pang tumindi ang kaniyang pag-aalala ng marinig niyang namatay na ang tawag. "Helllo, hon? You still there? Hello," naputol na ang linya ng kanilang pag-uusap. "Fuck!"

"Fuck! Shit!" He was frustrated, worried, and scared.

He has no idea kung saan siya pupunta at saan niya hahanapin ang asawa. Mabilis siyang nakaisip ng paraan. Agad siyang nagtungo sa malapit na police station upang doon ikonsula ang kaniyang problema. Upang mas mapabilis ang kaniyang paghahanap.

Mabilis ang naging bawat pagkilos ni Zach. Agad niyang sinambit ang kaniyang sadya matapos siyang makarating sa police station. With the help of the police officer and other police staff's naging mabilis para sa kaniyang matunton ang kinaroroonan ng asawa.

"Wait for me honey. I'm coming. Wait for me.." sambit niya sa isip habang tinatahak ang daan patungo sa kinaroroonan ng kaniyang asawa.

Sinalubong si Zach ng mainit na pag-yakap ni Pia matapos niyang matunton ang kinaroroonan ng asawa. Agad din naman niya itong sinalubong ng mahigpit na yakap habang puno ang pag-aalala para sa kalagayan ng pinakamamahal.

Love Me Harder DaddyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon