03

275 15 0
                                    




[Daphne]

"Bagsak si Clive!" A guy screamed.

Agad naman akong lumapit para makita ang tinutukoy nila. Tumingala ako para mas makita ko ng maayos. A guy with light brown hair with white highlights was lying on the floor while holding his right arm.

Nakita ko si Zora na nakatingin din sa stage kung nasaan yung lalakeng nakahiga sa sahig. Lumapit ako sakanya para magtanong kung ano ang nangyari. It's not that I want to gossip but I'm curious with that boy's situation.

"Zora, what happened to him?" Tanong ko sakanya nang makalapit ako sa tabi niya sabay turo sa lalakeng nasa stage. Napakamot na lang ng ulo si Zora at humarap sa akin.

"Well, that guy right there is Clive. He's famous because he is really skilled in sword fighting, but..." Pagputol niya.

"But?" I asked.

She sighed, "I don't know how to say this, but he can't control his magic yet or kung may magic nga talaga siya pero he keeps saying na mayroon. Sabi niya he can be invisible pero wala talagang nangyayari every time he attempts to do it." Napatingin naman ako kay Clive na dahan dahang tumatayo. No magic, huh? I don't think so.

I can sense a magic energy around him pero ang hina. Sobrang hina talaga na kung di mo papakiramdaman ng maayos ay mapagkakamalan mong muggle si Clive.

Muggle- a person who does not have any magical abilities.

"Well, he is saying the truth. Clive has magic, hindi nga lang fully awaken." I replied. Zora looks amazed again. Ngumisi nanaman siya na parang ewan. Ang jolly ng taong ito, hindi ko masabayan ang energy niya.

"I know right! Big shot ka talaga 'no? Akala ko di mo mapapansin yun eh." Tumawa nanaman siya at inakbayan ako. Bilib din naman ako sa pagiging friendly ni Zora, buti na lang at marunong ako makisama. Hindi kasi ako sanay na nasa madaming tao at mas lalong di ako sanay na may dumidikit sakin ng sobrang lapit.

Sayang at hindi ko napanood kung paano lumaban si Clive sa mga demons pero ang sabi ni Zora ay siyam na demons daw ang napatay ni Clive. Hindi nga lang umabot sa oras ang pang-sampu dahil bigla na lang daw natigilan si Clive.

I can't help but wonder. Maybe it is because of his magic? Napailing na lang ako, ang lakas ko naman mag-assume eh hindi ko naman napanood ang match niya.

Hours had passed at natapos na ang first round. Nasa mahigit isang daan kami pero trentang magic users lamang ang nakapasa. Laking pasasalamat ko na lang din at nakapasa ako.

I breathe heavily, sana nandito ang kapatid ko para makita niya ang resulta ng mga itinuro niya sakin maging ang mga training na ginawa ko. I can't use my magic now but I'm sure that I can pass this meet without using it.

Mayroong one hour break at pagkatapos noon ay ang second round na. We had no idea kung anong meron sa second round pero ang alam ko lang ay mas mahirap ito kaysa sa naunang round.

I'm at the lobby with Zora. Ayon sa announcement kanina ay hindi maaaring lumabas ng hall ang mga kasali sa meet. Nasa isang room kami na puro magic users lamang na kasali sa meet ang naririto.

I think that it's a good thing that Zora spoke to me earlier kung hindi ay paniguradong mag-isa lang akong nakatunganga dito.

We are sitting on one of the bleachers. Si Zora ay kumakain ng sandwich habang ako naman ay nakamasid lamang sa mga taong naririto. Hahanapin ko sana si Clive pero nabigo akong makita siya. Maybe he's in a clinic or something.

Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon