[Daphne]I had no idea that Alex will be joining again this year. Ang alam ko kasi ay hindi siya nakasali last year. Bwiset din si Mason, hindi man lang sinabi sa akin na nandito si Alex. I didn't even saw him earlier.
"How are you, Alex? Mason didn't tell me that you'll be joining this year." Alex looks like the younger version of Mason. Mas matanda siya ng isang sa akin, pero wala akong ideya kung bakit hindi siya sumali last year.
Sa sobrang hawig nila ay mukha silang magka-edad lang, nagmukhang matanda lang si Mason kay Alex because of his facial hair.
Napakamot ito ng ulo, "Well, sinabihan ko si Kuya na huwag sasabihin sayo para surprise. So, are you surprised Daphne?" He asked.
"Oo, nagulat ako that you are here and the fact na tayo ang magkalaban sa duel mamaya." I answered. Nakakainis dahil walang thrill, I know how he moves at alam ko na din ang magic niya kaya hindi na ako magugulat.
"Ayaw mo 'nun? Mahihirapan ka..." He smirked.
Napalingon ako sa sinabi niya. Just what?
"Hoy, Alex! Anong mahihirapan? Palagi kitang natatalo dati 'no." Kaya ayaw kong kasama siya dahil puno ng kayabangan ang katawan niya. One thing na hindi niya namana kay Mason ay ang pagiging humble. Just a fact.
"Daphne, baka nakakalimutan mo that it was two years ago. I changed at mas lalong lumakas ang magic ko over the years." Well, he is not wrong about that. We fought before pero gamit ang weapons lang, never kong pinakita sa kanila ang magic ko.
I grinned.
Kung tutuusin, I'm at advantage here. Alam ko na ang magic ni Alex and he doesn't know mine kaya mabilis akong makakapagisip ng tactics para matalo siya without showing what my magic is.
"It does not matter, Alex. I will still beat you." I replied with a smile.
"Hindi ka pa din talaga nagbabago, Daphne. You are still confident but it's nothing when it comes to my power." Napairap na lang ako. Hirap kasing makipagusap sakanya, bawat sagot niya ay hindi mawawalan ng kayabangan. He just trusts himself so much, ang hangin.
"Nagkita na ba kayo ni Mason?" I asked.
"Not yet, mamaya na lang pero nakita ko siya sa bleachers kanina kaya for sure ay nakita na niya ako." Sagot niya. Matagal ko ding hindi nakita si Alex. The last thing I heard is that he went to their grandparents' house at doon lang nag-train.
Nagkwentuhan lang kami ni Alex to kill time at pinakilala ko na din si Zora sakanya pero mukhang magkakilala na sila. Alex told me that they went to the same school before kaya they know each other.
Naubos na ang isang oras at agad na kaming bumalik sa grand hall dahil magsisimula na ang huling round.
This is it, Daphne. You fucking need to win.
Miss Astra announced the mechanics for the duel at tulad last year ay hindi pa din nagbago ito. Ang bawat pair sa duel ay nasa loob ng magic circle, there is only one rule to win the fight.
Kailangan mong mapatalsik sa loob ng magic circle ang kasama mo.
There is no time limit basta ba magawa mong matalo ang kalaban mo.
I looked at Alex, his magic energy is now stronger than before. Hindi ako nakaramdam ng kaba instead I smiled, mukhang lumakas nga ang mokong.
Unang sasabak si Zora and being her usual self ay nakangiti lamang ito habang naglalakad na papunta sa magic circle. Isang babae ang kalaban niya.
BINABASA MO ANG
Pridewood: Daphne's Revenge
FantasyFACTION SERIES #1 Completed Daphne seeks to join and be a magic user to take revenge and know the truth about her brother's death. Would she be able to do her revenge for her beloved brother or would she be doing it for someone else?