26

169 12 1
                                    






[Ace]



"Sigurado ka ba Clive sa sinasabi mo?" Seryosong tanong ni Rill sakanya. Tanging ako, si Gray, Scout, Clive, at Rill na lamang ang natitira sa kwartong ito dahil inutusan ni Rill yung tatlo.


Alam kong sinadya ni Rill na palabasin si Daphne para hindi niya marinig at malaman ang ginagawa naming pag-protekta sakanya.


After our encounter with Ram at sa iba pang kasama niya na taga-North, sinabi namin ni Leo lahat kay Rill at Mason ang mga nalalaman namin.





Flashback




Pinalabas na ni Rill si Daphne at Clive sa kwarto kung nasaan kaming dalawa ni Leo.



Alam kong tatanungin niya kami tungkol sa nangyari.



"Based on what happened, I assumed that you encountered the magic users from North, am I right?" Seryosong tanong ni Mason sa amin habang si Rill ay nakaupo sa silyang nakamasid lang din sa amin ni Leo.



Si Leo ang sumagot. "Yes, Sir Mason. Kung ano ano nga ang sinabi nila sa amin ni Ace."




"Ano naman ang sinabi nila sainyo?" Lumingon sa akin si Mason.



Napaayos ako ng upo sa kama bago sumagot. "Something's going to happen during the Central Magic Games and..." Napahinga ako ng malalim. Ayokong sabihin. Hindi ko masabi.



"And?" Tanong sa akin ni Rill.



"And that I should watch every move my teammates do." Nakatungo kong sagot.



"Bakit daw?" Tanong niya ulit. I know that he already knows what I meant. Gusto niya lang sabihin ko ng diretsa.



I sighed. "T-there's a traitor among the members of Pridewood."



Sa totoo lang, ayokong maniwala. Ayoko talaga. Pero kung iisipin ko, bakit naman sila magbibitaw ng ganoong mga salita?



Napaismid si Leo. "Don't tell me that you believe what that jerk is saying?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.



"Because it's true." Malamig na sagot ni Rill.



Gulat akong napatingin sakanya.



"Sinasabi mo bang may traydor sa atin, Rill?" Tanong ko.



"Narinig mo ang sinabi ko, Ace." Sagot niya habang nakatingin ng diretso sa akin. "A traitor is sitting inside Pridewood."


Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit. Nanginginig ang mga kamay ko. Ang daming tanong ang pumapasok sa isipan ko. Hindi ako mapakali.


Sino sa kanila?


Pumasok sa isip ko ang mga mukha ng bawat miyembro ng Pridewood. Ang mga pinagsamahan namin, lahat lahat.


N-no...


"How did you know about that, President Rill?" Nakakunot noong tanong ni Leo.


Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon