27

171 10 1
                                    






[Daphne]



"Kayang kaya ni Ace 'yan." Sabi sa akin ni Violet nang makarating na si Ace sa may arena kung nasaan naghihintay si Captain Charlotte.



Tumango ako. "He's strong."


"Hindi lang 'yon. His magic is strong but his words are stronger. Hindi nagbibitaw ng salita si Ace na hindi niya kayang panindigan." Napalingon ako sa sinabi niya. "You know, it's funny how he changed after he met you."




Kumunot ang noo ko. "After he met me? How?"




Nilingon niya na ako. "He always cares for us, Daphne. He is always willing to sacrifice his happiness just for the sake of others. Hindi ko nga alam kung bakit ganyan siya, minsan naiinis ako dahil masyado siyang mabait..." Tumigil siya sa pagsasalita at tumingin sa harapan kung saan naglalaban na si Ace at Captain Charlotte.




"Nang dumating ka, we saw a man in him. I could see that fire in his eyes, his urge to protect you..." She smiled at me. "I'm happy that finally, he already found someone he could cherish."



"I-i don't understand..."




Tumawa siya. "Hmm, sayang lang at medyo mabagal ka." Hindi ko naintindihan ang nais niyang ipahiwatig sa akin.




Ace finally found someone he could cherish. At sino naman iyon? Mayroon ba siyang hindi sinasabi sa akin?




Napailing na lang ako. Ayoko nang dagdagan ang iisipin ko.




Tumingin na ulit ako sa harapan upang manood. Doon ko lamang nakita na nababalot ng apoy at tubig ang buong arena. It's like their magic is combining.




Ramdam ko ang init pero may lamig sa paligid. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao.




Napaangat ang tingin namin sa langit. A roar dominated the sky.




"It's Fafnir!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga audience.



Napangiti ako. Mukhang nagmamadali si Ace na tapusin na ang laban.



A huge fire ball is beginning to form around Fafnir at mukhang aatake ito kay Captain Charlotte who's just standing there. Doon ko lamang napansin na parehas sila ng mata ni Ace, the only difference is the intensity with how they look.




Maya maya ay bigla na lamang lumutang sa lupa si Captain Charlotte. Napapalibutan siya ng tubig na sa sobrang asul ay mapagkakamalan mo itong kumikinang.



What the hell is happening?



Tila napatigil rin si Ace at nabalot ng katanungan ang mukha niya. Mukhang hindi niya rin alam ang nangyayari.



"Is that a tail?" Pasigaw na tanong ni Kit habang nakaturo. Napatayo pa siya sa kinauupuan niya kasama si Violet na kinang na kinang ang mga mata.



Nabaling ang tingin ko sa itinuro niya at doon ko nakita ang tinutukoy niya. Captain Charlotte's feet disappeared, napalitan ito ng buntot. Not just any ordinary tail.




Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon