30

166 11 0
                                    









[Daphne]



Nakaramdam ako ng matinding pananakit sa tiyan ko. Ang sakit rin ng buong katawan ko at teka—




Pamilyar ang lambot ng kama na hinihigaan ko, ah. Panigurado akong wala ako sa base ng Pridewood dahil di gaanong malambot ang kama ko roon.





As I opened my eyes, isang pamilyar na bulto ang bumungad sa akin.



Those wild piercing eyes.



"C-captain..." Namamaos kong sabi. Teka, bakit ako paos?


Mabilis itong lumapit sa akin. "Don't move yet."


"Anong nangyari?" Mahina kong tanong pagkatapos niya akong alalayan para makaupo ng maayos. "Why am I in Meadowpelt?"


"You were shot, Daphne." Diretsong sagot niya sa akin.



"Y-yes, I remember that..." Bigla ko nanaman naalala kung gaano kasakit ang tama ng bala sa akin. Mabuti na lang medyo may kirot na lang ang nararamdaman ko ngayon. "Where's Ace?"


Ace was the one who caught me before I fell, where is he?


Aries sighed. "He's downstairs." Nakahinga ako ng maluwag. "Do you want me to call him?"

Naglakad na siya agad papunta sa pintuan at bago niya pa ito buksan ay pinigilan ko na siya.

"Wait.." Lumingon siya sakin. "Stay here, I want to ask you something." Mahina kong sabi.


Nakahinga ako ng maluwag nang naglakad na ulit siya pabalik sa gilid ng kama ko.


Ano bang itatanong ko?



"What is it, Daphne?"


Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit ko ba siya pinigilang lumabas?

"Uhm.." Walang lumalabas na salita sa bibig ko. I don't know what to say.


Napaamang ako nang mahina siyang tumawa at umupo sa may kama ko at dahan dahang hinawakan ang ulo ko na para bang hinihimas ito. "You got me worried again, little mouse." Mahinang sabi niya.


Pakiramdam ko ay ibinulong niya iyon mismo sa tainga ko kaya tumaas ang balahibo ko sa lambing ng boses niya.


Hindi ako nakapagsalita. Nanatili lamang akong nakatingin sa mga kamay kong nakapatong sa tiyan kong natatakpan ng puting kumot.



Nakakainis at nawawala ako sa sarili kapag siya na ang kaharap. Hindi ako natutuwa.


"Bakit ba palagi ka na lang napapahamak? You know..." He held my chin at dahan dahan itong iginalaw para magtama ang paningin naming dalawa. Pakiramdam ko ay naririnig ko na ang tunog ng puso ko. Bakit ba ako kinakabahan?



"It makes me want to protect you more, will you stay with me?" Diretsong sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko. Hanga ako sa ipinapakita niya sa akin, walang bahid ng pagkailang at kaba ang mga mata samantalang ako ay parang malulunod na sa titig at mga salitang binibitawan niya.


Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon