21

169 13 0
                                    





[Daphne]

Isang oras na lang at magsisimula na ang party para sa mga manlalaro ngayong taon. All of us are required to attend kaya wala akong choice kundi sumama sakanilang lahat.

If you ask me, I don't want to attend because apparently, it's not my thing.

I'd rather reserve my energy para sa opening game bukas.

"Daphne, anong oras ka pa mag-aayos?" Tanong ni Violet habang abala siya sa paglagay ng kolorete sa kanyang mukha.

Tumayo na ako at kinuha ang damit na susuotin ko sa may cabinet. Violet insisted earlier to fix my hair and makeup kaya pumayag na lang ako.

Scout on the other hand is nowhere to be found. Wala akong ideya kung nasaan siya.

Nang natapos na si Violet sa pag-aayos niya sakanyang sarili ay ako naman ang inayusan niya. Hindi na ako nagreklamo dahil mukhang masaya siya sa ginagawa niya.


A few minutes had passed and before I know it, I'm already done.

I looked at myself in the mirror at doon ko lamang napansin na sakto ang pinadalang damit ni Mason.

The color and design of the dress match my skin tone. Isama pa ang cloak na bumagay sa suot kong dress.

"Grabe, you look like a princess." Pagpuri ni Violet. I smiled at her. Kumpara sa suot kong damit, Violet is wearing a black fitted sleeveless dress na may slit sa may right leg.

Sabay kaming lumabas ni Violet. Ace and the others are already downstairs.

I don't why but something is bugging me.

Nakakainis lang dahil kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.

As soon as we reached the hall, tumambad sa akin ang maliwanag na ilaw na nanggagaling sa malaking chandelier.


Mukhang pinaghandaan ng council ang event ngayong taon.

Nang makarating kami sa assigned table ng Pridewood ay sinalubong ako ni Ace. He looks so different in his outfit. He looks princely.


Ngumiti siya sa akin. "You look amazing."

"Really?" 

"I mean, you look beautiful as always, Daphne." Dagdag niya pa. Napailing na lang ako. Ang galing talaga mangbola ni Ace.

I sat beside him at sa kaliwa ko naman ay si Clive.

The party started with a few words coming from Miss Oceana Vanguard. If I'm not mistaken, she is Captain Charlotte's mother and one of the members of the council.

After we ate dinner, nagsimula nang magsayaw ang mga tao sa loob. It's a piece of slow music, perfect for a dance.

Inilahad ni Ace ang kanyang kamay sa akin. "Ako dapat first dance mo." He chuckled.

I immediately accepted his hand and walked our way to the dance floor.

Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay ito sa balikat niya. "Can I?" Tanong niya asking permission to hold my waist.

Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon