50

184 12 1
                                    







[Daphne]



Patakbo akong pumunta papalapit sa kapatid kong nakaupo sa may garden namin habang nakatanaw sa kulay rosas na magnolia tree.

"Kuya!" Tawag ko sa kanya.

Mabilis siyang lumingon sa akin at agad na tumayo upang salubungin ang pagtakbo ko.


Binuhat niya ako paitaas. "You're wearing your school uniform! Ang cute cute mo talaga!"

Kakatapos ko lang sa klase. Kapag tumuntong kasi ng edad lima ay kinakailangan nang pumunta sa paaralan ang mga batang tulad ko upang matutong magbasa, magsulat, at magbilang.

Sa edad sampu hanggang labing siyete naman ay ang simula ng pagsasanay upang maging bihasa sa paggamit ng mahika.

Pero sa kaso ko, hindi ako nakakapag-aral sa totoong eskwelahan. Kumuha lamang ng magtuturo para sa akin ang kapatid ko at sa bahay ako nag-aaral.

"Mason bought it for me." Sagot ko.

Ibinaba na ako ni Kuya Dylan at dinala sa may lamesa kung saan may nakahaing cake. Hitsura pa lang ay natatakam na ako. Paniguradong masarap ang pagkakagawa ng kapatid ko dito.

"Daph, anong sabi ko sa'yo? Call him Kuya Mason." Nakangiting sabi niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "But he's not my brother, why would I call him kuya?"

Kuya Dylan chuckled and patted my head. "Ang cute cute mo talaga."


Ilang beses ko nang naaabutan si Kuya Dylan na nakatitig sa punong iyon. Hindi ko alam kung anong mayroon sa punong iyon at para bang ang lungkot lungkot ng mga mata niya tuwing nakatingin roon.


There's this time that I finished doing my homework at nang hinanap ko siya sa buong mansion ay sa garden ko na naman siya naabutan.

May kasama siyang babae roon pero hindi ko makita ang hitsura ng babae dahil nakatalikod ito at tanging ang kapatid ko lang ang nakikita ko.

"Daphne, dito ka lang muna sa loob at may bisita ang kapatid mo." Tinawag ako ni Ate Celine kaya naman pumasok na lang ako.

"Ate, who's that girl? Is that my mommy?" Inosenteng tanong ko.

Tumawa si Ate Celine sa sagot ko. "Ikaw talagang bata ka. Hindi iyon ang mommy mo. Kaibigan ng kapatid mo 'yun. May mahalagang pinag-uusapan lamang sila tungkol sa trabaho ng kapatid mo."


"Trabaho?"


"Hindi ba may trabaho ang kapatid mo?"

Kumunot ang noo ko. "I didn't know my brother is working."


"Trabaho ng kapatid mong proteksyunan ang mga tao sa buong district lalo ka na." Nakangiting sagot ni Ate Celine.


I was around seven to eight years old when my brother started working hard. Hindi na siya madalas umuwi sa amin at ang palagi kong kasama sa mansion ay si Ate Celine at Mason. Minsan ay kasama rin ni Mason ang kapatid niyang si Alex para may kalaro ako.


Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon