16

212 14 1
                                        




[Ace]

Sampung minuto na kaming paikot ikot dito sa loob pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin mahanap si Daphne.

Kinapa ko din ang susi na nasa bulsa ko na binigay ni Toby kanina. This might be important.

Hindi kami pwedeng maghiwalay dahil si Zora lang ang makakahanap sakanya.

"I can feel her heartbeat everywhere." Isa pa 'yan sa problema namin. Parang nasa buong lugar ang sound wave galing kay Daphne.

Wala akong ideya kung gaano kalawak ang loob ng kweba na ito pero malakas ang pakiramdam ko na pabalik balik lamang kami.

"Aries, think of a way!" Sigaw ko sakanya. Kanina pa siya tahimik, nakatingin lang kung saan.

Hindi niya ako pinansin. Tumigil kami sa paglalakad dahil napansin nga namin na parang paikot ikot lang kami.

Zora can still feel her heartbeat pero yung magic energy niya, hindi namin maramdaman.

I can't lose you too, Daph.

Ano ba kasi ang nangyayari?

Bakit?

Paanong isang demon ang kumuha sakanya? Anong kailangan niya kay Daphne?

"Wait, someone's coming." Agad kaming naging alerto ni Aries nang nagsalita si Zora. We can't let our guard down.


The demon who appeared earlier came out of nowhere. Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya.


"Hindi niyo na siya mahahanap..." She looked at us with her deadly red eyes. "That girl will be dead soon."


Biglang sumugod si Aries doon sa babaeng demon. He created spears made of mercury at agad na inatake sa demon.


Nakaiwas ang demon sa ginawang atake ni Aries ngunit nadaplisan niya ito sa pisngi na agad namang naghilom.



"Ouch." Nakangiti niyang pinunasan ang dugong tumulo sa pisngi niya. "You have some guts to wound me."


"Nasaan siya? Tell me!" Sigaw ko. Nauubusan na ako ng pasensya sakanya. Nagdidilim ang paningin ko at alam kong konti na lang ay sasabog na ako.


"Patience, boy." Tawa niya and in just a second ay nasa tabi ko na siya. "You can see her if you can defeat me." Bulong niya.


Agad ko siyang inatake pero mabilis siyang nawala sa tabi ko. I looked at both Aries and Zora at tumango silang parehas sa akin.


Wait for me, Daph.


Gagawin ko ang lahat, ililigtas kita.


Pinalibutan ko ng apoy ang buong paligid namin.


Walang makakalabas.


"Boy, did you not realize that I'm from hell? I'm immune to fire." Natatawa niyang sambit at lumapit sa apoy na ginawa ko sabay hawak doon pero napaso siya. "Fuck!"


"It's not just a simple fire, Miss." It's a special type of fire, it has a forbidden spell in it.


May pakinabang talaga pagiging anak ng witch ko.

"You can still fight us, right?" Aries asked with his usual cold face.

Mariin niya kaming tiningnan. "Oh, kids. I'm not one a member of the Midnight Sun for nothing."


Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon