[Daphne]"After all, I am all yours."
"After all, I am all yours."
"After all, I am all yours."Inis kong hinagis ang unan na nasa tabi ko. Magmula nang umalis si Aries sa kwarto ay paulit ulit ko na lamang naririnig sa isipan ko ang mga sinabi niya.
He didn't even let me speak, pagtapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay umalis na siya ng kwarto na para bang walang nangyari.
Hindi ko siya maintindihan. Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig sa lahat ng mga sinasabi niya sa akin?
Palaging taliwas kasi ang mga sinasabi niya sa mga kilos niya. Kung ngayon ay maayos ang pakikitungo niya sa akin at kung ano anong nakakakabang salita ang ibinibigkas niya sa akin, tapos bukas naman ay para bang hangin lang ako sa kanya.
Tiningnan ko ang orasan, 6:30 pm. Mahigit anim na oras na pala ako rito sa kwarto. Nakakainis at kailangan kong sumabay sa kanila kumain.
Padabog akong tumayo at tiningnan ang cloak kong kulay asul na may simbolo ng Dawnless. Nakakapanibago. Maging ang tela ay halata mong maganda ang kalidad kumpara sa Pridewood.
Sinuot ko na lamang ito at itinaas ang buhok ko. I guess I just have to endure it.
Tiningnan ko ang sarili sa salamin at naghahanda nang lumabas sa kwarto para dumiretso sa dining hall. Sinabi sa akin ni Aries na doon daw sabay sabay kumakain ang lahat ng miyembro ng Dawnless. Ayoko sanang makisalo sa kanila pero pinilit niya ako at sinabing wala akong magagawa.
I have no idea how their faction works. Siguro ay nasanay na ako sa magulo at maingay na mga kasamahan. Dahan dahang bumagsak ang balikat ko nang muli kong naalala ang unang gabi ko sa Pridewood.
Beef lahat ng nakahain noon at tandang tanda ko pa ang biniling pagkain ni Ace sa akin.
Hindi man lang ba nila ako bibisitahin? Kanina ay umasa akong may sasalubong sa aking nag-aaway na Violet at Kit, umiinom na Scout, nagsasalita sa harap ng salamin na si Gray, si Toby na nakaupo lamang sa gilid habang katabi ang tahimik na Clive, si Rill na nagsisindi ng sigarilyo, at si Ace na unang lalapit sa akin.
Akmang bubuksan ko na ang pintuan nang may kumatok dito kaya agad ko itong binuksan.
Bumungad sa akin ang mukha ni Priya. "Hey, Aries told me to pick you up. Kakain na." Nakakapanibago rin ang paraan ng pagsasalita ni Priya sa akin. Magmula nang insidente sa cave ay iba na ang pakikitungo niya sa akin.
"Okay." Lumabas na ako at sinabayan na siya sa paglalakad. Walang nagsasalita sa amin pero ramdam ko ang palingon lingon sa akin ni Priya.
Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga at bigla na lamang siya tumigil sa paglalakad kaya ay napatigil na rin ako.
"Hindi ka ba talaga tumanggi sa ginawang paglipat sa'yo dito?" Tanong niya. "It's not that I don't want you here, but I know how much you care about your comrades. Hindi ko lang maisip na ganoon na lang kadali ang pagpayag mo."
BINABASA MO ANG
Pridewood: Daphne's Revenge
FantasyFACTION SERIES #1 Completed Daphne seeks to join and be a magic user to take revenge and know the truth about her brother's death. Would she be able to do her revenge for her beloved brother or would she be doing it for someone else?