17

194 12 2
                                    




Third POV

"Kailan ba babalik sina Rill? Dalawang araw na nakakalipas pero hanggang ngayon wala tayong balita tungkol sa pagpunta nila sa West." Magkakasama ang miyembro ng Pridewood sakanilang base kasama na rin si Ate Celine.

Pagkatapos kasi ng insidente na nangyari kay Daphne noong nakaraang dalawang araw ay hindi pa rin nakakabalik sa Whitlock sina President Rill at Mason.

"I have no idea, Violet." Sagot ni Ace.

"G-gusto ko din malaman ang kalagayan ni Daphne." Malungkot na bigkas ni Clive.

"Malakas si Daphne, malalagpasan niya rin lahat ng ito. Magiging okay lang siya, maniwala tayo." Mabuti na lang at kasama rin nila si Ate Celine na siyang nagpapalakad ng loob ng mga Pridewood.

Dalawang araw na rin walang kibo masyado si Ace dahil sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari kay Daphne.

Ang alam lang nilang lahat ay nasa ospital na si Daphne sa Central kasama si Aries at si Scout bukod doon ay iyon lamang ang kanilang nalalaman sa kalagayan ni Daphne.

Maging si Scout na naghatid kay Aries at Daphne sa Central ay hindi pa rin nakakabalik.

Bumukas ang pinto at bumungad sakanila ang ilang miyembro ng Dawnless, si Zora, Alex, Leo, Charlotte, at Andromeda.

"Wala pa din bang balita?" Bungad ni Priya.

Umiling lang sina Violet sakanya.

They all sighed. Wala naman silang magagawa sa ngayon, ang kailangan lang nilang gawin ay maghintay.

Hindi rin naman sila maaaring umalis sa Whitlock kung walang mission o kung di sila pinapatawag sa Council kaya hindi nila magagawang bisitahin si Daphne.

"Bumalik ako sa cave kagabi..." Leo suddenly said na agad nakuha ang atensyon ng mga nasa loob, lalo na ni Ace. "May nahuli akong isang lalaki roon."

Kunot noong tiningnan ni Charlotte si Leo. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kasamahan. "What the hell are you thinking, Leo? Bakit ka pumunta doon mag-isa?"

"Chill ka lang, Captain. Tiningnan ko lang naman kung may makukuha akong impormasyon doon and besides, I didn't go there alone..." Lumingon ito kay Kit na nakahalukipkip lang sa tabi. "Diba, Kit?"

Lumawak ang ngiti ng batang tinawag niya. Sinamaan siya ng tingin nina Ace at Toby pero nag-peace sign lang ito at nagtago sa likod ni Violet.

"May nalaman ba kayo sa pagpunta niyo roon?"

Leo smirked. "Alexandria, the demon, wants something from Daphne. Sabi noong nahuli naming lalaki ay wala silang ideya kung ano ang gustong kunin kay Daphne..."

"Pero may kinalaman raw ito sa pagkamatay ng previous court head."

Tila nagkaroon ng idea si Sapphire, ang miyembro ng Dawnless. "Sir Dylan, Daphne's brother, was killed by Abaddon. Isa iyon sa mga demonyong alaga ni Hades. It means that Sir Dylan is somehow connected to Hades."

"Pero ano naman ang connection nilang dalawa? The God of the Underworld and the Court Head?" Charlotte asked.

Lahat sila ay napaisip. Nag-iisip ng mga posibleng conclusion kung paano konektado ang dalawa.

Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon