28

191 14 1
                                    

Note: This chapter will be longer than usual.






[Violet]





Pagkatapos kong magamot ang sugat ni Kit, dinala na muna siya ni Toby sa hall para mas makapagpahinga. Nawala na rin sa loob ng arena ang grupo nina Captain Charlotte. Matapos nilang umatras kanina sa game ay hindi ko na sila nakita ulit.





"Ace, hindi niya papabayaan ang sarili niya, okay?" Scout said. Simula kasi nang bumaba sa bleachers si Daphne ay hindi na siya naupo.




Napailing na lang ako.




Masyado ka nang obvious, par.




"Hindi pa rin talaga nagbabago ang babaeng 'yan, 'no?" Sabi sa akin ni Gray.




Tumango ako. "Brutal kung brutal. Kaya iba ang pakiramdam ko sa laban nila ni Daphne, eh." Sagot ko at sumulyap kay Daphne na nakatayo lamang sa harapan.




Nang naging miyembro ng Pridewood si Daphne, sinabihan na kami agad ni Rill na huwag nang magtanong kung ano ang magic niya kaya wala ni isa sa amin ang may idea kung ano nga ba iyon.




Sa totoo lang, nahihiwagaan ako sa kanya. Hindi lang kay Daphne kundi sa buong pamilya niya. Matagal na akong nasa Southridge at ni kailan man ay hindi ko nakilala ang pamilya nila.




Sikat at kilala na si Sir Dylan noon bago pa man siya maging court head at bukod pa roon, 'yun lamang ang alam namin tungkol sa kanila. Gusto ko sanang magtanong kay Rill pero mukhang hindi naman niya ako sasagutin.




Mukhang nag-uusap sila ni Cressida. Nag-iba ang ekspresyon niya. Kung kanina ay parang blangko ang mukha niya, ngayon ay nakangisi na ito.





"Ace, hindi ba pinapasunod ka ni Rill sa kanya?" Biglang sabi ni Clive. Lumingon siya sa amin at halata sa mukha niyang ayaw niyang umalis.




He sighed. "Balitaan niyo ako." Tumango kami sa kanya. Umalis na siya sa bleachers at kami naman ay nuling humarap na sa unahan nang tumunog na ang buzzer.




Walang gumagalaw ni isa sa kanila. Daphne remained standing in front of Cressida who was currently staring at her with an intense look.




Okay. What's with the tension?




Napalingon ako sa kanan dahil naagaw ng atensyon ko ang grupo ng Hazerider. Mukhang ang kapatid ni Cressida na si Zora ay galit. Mukhang nagkakagulo.




Kinalabit ko si Clive. "Tingnan mo nga kung anong nangyayari sa kanila." Turo ko kung nasaan ang Hazerider.




Mabilis itong tumango sa akin at nagtungo sa kabilang bleachers. Pinanood ko ang pagpunta hanggang sa pagbalik ni Clive sa pwesto namin.




"Anong meron?" Tanong ko.




"Bigla na lang raw umalis si Captain Leo ng walang pasabi. Ang sinabi lang daw sakanila ay hindi siya makakalaro." Sagot ni Clive sa akin.




Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon