38

124 8 2
                                    






[Daphne]



"Tobias Archibald is subjected to death punishment by electrocution."


Umalingawngaw ang malakas na pag-iyak ni Violet. Kita ko kung paanong lumapit sa kanya sina Scout at Gray habang si Kit naman ay nanatiling tulala sa kawalan.


I quickly turned my gaze to Ace who slowly shook his head. Mariing napapikit si Rill sa reaction nilang lahat. Habang ako ay tila hindi pa maproseso ang mga pangyayari.


"H-hindi ko maintindihan, paanong—" Captain Charlotte as well as Zora quickly went in my direction. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nila akong aluhin gayong wala nga akong maintindihan sa mga nangyayari.


"Daphne, I think it's better if we go out for a while. Ano sa tingin mo?" Zora suggested.

Nilingon ko siya sabay iling. "Ano sa tingin ko?" I sarcastically asked her back. Tila nagulat siya sa pagtaas ng boses ko ngunit hindi ko na pinansin iyon. "Sa tingin ko madami kayong dapat ipaliwanag sa akin! Toby is getting executed and I have no idea what the hell happened!"

Walang sumagot sa akin ni isa sa kanilang lahat. Para akong nagsasalita sa hangin.

"You're all just going to stare at me?! Hindi ako manghuhula, I look stupid because obviously, lahat kayo may alam sa nangyayari and you didn't even bother to tell me what the fuck is going on!"


Matagal na akong may kutob na may kakaibang nangyayari. I don't make it a big deal at first pero itong mangyayari kay Toby? Somebody has to explain it to me!

Base sa mga reaksyon nila, lahat sila alam kung anong nangyayari ngayon. Alam nila ang tungkol kay Toby na hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paanong humantong sa ganito at nakagawa ng malaking kasalanan si Toby sa court head.


"Rill?" Nilingon ko siya ngunit nagpakawala lamang siya ng mabigat na buntong hininga. "Ace?" Tawag ko sakanya ngunit hindi niya ako kinibo.

My eyes are starting to water. Nanginginig na rin ang mga balikat ko at kahit gaano ko pa ito pigilan ay hindi ko magawa. I need an answer!

Hinawakan ni Alex ang balikat ko. "Daph, ipapaliwanag sa'yo lahat basta kumalma ka muna." Mahinanong sabi niya ngunit hindi ako nagpatinag.

"Paulit ulit ko nang naririnig 'yan! Kanina niyo pa sinasabi na ipapaliwanag niyo ang nangyayari sa akin pero ni isa walang nagsasalita. I don't know what is going on, saglit pa lang akong nawala sa Pridewood tapos kung ano ano na ang nangyayari sainyo?"

Hindi ako bulag at manhid para hindi makita ang mga pagbabago sa kilos nilang lahat. Magmula kay Rill at Ace hanggang sa iba pang kasamahan ko noon. Lahat sila ay nagbago.


"Si Toby..." Napatingin ako kay Ace nang nagsalita siya. Nakatungo pa rin siya at nakatingin sa sahig ngunit ramdam ko ang pait sa tono ng boses niya. Dahan dahan siyang nag-angat ng ulo at nang nagtagpo ang mga mata namin, onti onting sumasakit ang damdamin ko.


He is shedding tears in silence.


"Anong meron kay Toby, Ace?"


Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon