[Ace]She was the light that I was waiting to shine on my dark abyss and when she finally entered that cage, I was finally free.
Daphne, the girl who's always in a white dress. Always wearing that faint look in her eyes, beautiful brown wavy hair, an intimidating voice, and a face that looks like a fallen angel.
My light.
My sunshine.
Nakakabahala pala ang pakiramdam na sobra sobra ang paghanga mo sa isang tao. Nakakabahala dahil kakaiba ang epekto sa dibdib at puso na para bang paulit ulit kang sinasaksak ngunit wala kang maramdamang sakit.
Her intimidating presence is always killing me in a good way. Her manner of speaking makes my body shiver most unpredictably. Her voice makes my heart at ease.
"Are you sure you won't tell her?" Violet asked as she sat beside me.
Nasa may garden kami ng Pridewood. Hindi ako makatulog dahil matapos umalis ni Daphne nang sinundo siya ni Aries. Natatakot ako sa paparating na kaguluhan at alam kong hindi lamang ako ang nakakaramdam noon.
No one is sleeping right now. Lahat ay abala sa kanya kanyang gawain para matanggal ang kaba para sa pagsasagawa ng plano para bukas.
"Ang alin?"
Binatukan ako ni Violet. "Don't play innocent on me, Ace. Narinig ko ang pag-uusap niyo kanina at akala ko ay aamin ka na. What's holding you back?"
Natigilan ako. Ano nga ba ang pumipigil sa akin? Sanay naman akong sinasabi ang gusto kong sabihin pero pagdating sa kanya at natatahimik ako. Natatakot ako.
"Wala namang aaminin, Vi." I looked away and stared at the night sky.
Siya pa rin naiisip ko. Nababaliw na yata ako. Hindi naman siya tulad ng madilim na kalangitan but how the stars shine in the night sky, it feels the same ever since I met her.
"Teka, natatakot ka ba? O baka naman...."
"Baka naman?"
Violet chuckled. "Hula ko ay hindi lang tayong dalawa ang nakakapansin sa kilos ni Captain Aries at Daphne. Iyon ba ang pumipigil sa'yo?"
Napabuntong hininga ako. "Bakit lahat na lang ay alam mo? Curious lang. You read minds too?" Mahina akong tumawa.
"Sira! I'm just a regular witch."
"Regular mo mukha mo! Even my great-grandmother knows you. Gaano ka na ba katanda at parang ang dami mo nang nalalaman?" Biro ko sa kanya.
She was not wrong anyway. I saw how her eyes lit up when Aries showed up and it's the same as him.
Daphne does not speak much about her feelings but her eyes talk too much. I know and everyone knows that there is something between the two of them. They are just too oblivious to notice it to themselves.
I remembered the time I first saw her. It was during the meet and I thank Rill for bringing me with him. I don't know what it's called. Love at first sight? Totoo ba ang ganoong bagay?
Dumaan siya sa harapan ko 'non at duda kong nakita na niya ako dahil tandang tanda ko pa kung gaano siya kaabala sa pagtingin sa bracet niya.
I was completely enamored by how her eyes glow that time. Para akong nakakita ng isang batang binilhan ng paborito nitong laruan.
![](https://img.wattpad.com/cover/320534832-288-k974365.jpg)
BINABASA MO ANG
Pridewood: Daphne's Revenge
FantasyFACTION SERIES #1 Completed Daphne seeks to join and be a magic user to take revenge and know the truth about her brother's death. Would she be able to do her revenge for her beloved brother or would she be doing it for someone else?