25

172 14 5
                                    






[Daphne]


"What do you mean, Violet?" Tanong ko.

Nagkibit balikat lang siya. "I mean, hindi ba medyo close kayo ni Captain Aries? Baka pagselosan ka ni Cressida 'tas ikaw ang pag-initan ng ulo."

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. "Sino namang nagsabi na close ako 'don?" Patukoy ko kay Aries. "At isa pa, why would I let Cressida do that to me?" As if namang magagalaw niya ako.

Tumawa lang si Violet. "Wala lang, naisip ko lang naman."


Lumipas ang isang oras at natapos na din ang unang game ngayong araw. Nakakatuwa dahil tulad ng Hazerider ay mabilis lang natapos ng Fourspire at Dawnless ang game nila. Pakiramdam ko tuloy ay kami ang may pinakamahabang oras sa game dahil sa akin.

Napailing na lang ako. Nakakahiya.

"Let's head to the bleachers. It's time for the Presidents' match." Tawag sa amin ni Ace.

Nakaramdam ako ng tuwa nang sinabi niya iyon. Sa totoo lang, this is what I'm looking forward to today. The match between the leaders of each faction.

Nang makarating kami sa may bleachers ay kasama na namin sina Gray at Clive.

"Daphne, kumusta na yung pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Clive pagkaupo ko sa tabi niya.

"I'm good now, Clive. Thanks for asking."

"Mabuti naman. Buti na lang at naroroon si Ace." Bigla ko na lang naalala ang pag-alis ni Clive kahapon. Hindi ko alam kung saan siya pumunta dahil hindi niya naikwento kagabi sa amin.

"Saan ka nga pala pumunta kahapon, Clive? Alam mo bang paikot ikot lang ako sa buong bayan dahil wala akong magawa at kasama?" Tanong ko sakanya.

Tila nagulat pa siya sa tanong ko kasi nanlaki pa ang mga mata niya. "A-ah, ano kasi..." Hindi siya makatingin sa akin. Halata mong kinakabahan dahil bigla na lamang siya pinagpawisan.

"Are you hiding something?" Prangka kong tanong. Sarap niyang asarin eh. Sarap pagtripan.

"Ha? Bakit mo naman naisip 'yan?" Sagot niya.

"You look nervous and you are not answering my question." Sagot ko. I swear, konti na lang ay iiyak na siya. "Tell me, Clive. Saan ka nanggaling?"

Nagulat na lang ako nang bigla na lamang siyang tumayo at patakbong umalis sa bleachers.

What's his deal?  May mali ba sa tanong ko?

"Anong ginawa mo kay Clive, Daph? Bakit umalis 'yun bigla?" Natatawang tanong ni Ace.

Kunot noo akong lumingon sakanya. "Ewan ko sakanya. Tinatanong ko lang naman kung saan siya galing kahapon tapos bigla na lang umalis."

"What? Ibigsabihin, hindi mo kasama si Clive kahapon?"

Tumango ako. "Oo. Alam mo ba na nag-ikot sa bayan mag-isa? Nakakainis kayo."


Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon