22

169 12 5
                                    






[Daphne]



Pagkatapos ng unang game ay may isang oras na pahinga para sa lahat ng naglaro.


Nasa loob kami ngayon ng hall na para sa aming Pridewood lang. Habang nagpapahinga sina Ace, we are also discussing important things to take note of tungkol sa mga nakalaban nila.


"Sa tingin ko, yung bagong recruit ng Dawnless ang dapat talaga nating bantayan." Kit suggested. Lahat kasi kami ay magbibigay ng opinyon tungkol sa mga manlalarong dapat maging alerto kami.


"Grabe, tumaas balahibo ko sakanya kanina. Hindi na nagawang gumalaw ni Zora eh tapos ang ending niligtas pa siya ng ate niya." Pag-sangayon ni Violet kay Kit.


Kahit ako ay kinakabahan kay Maximo. Siya yung tipong hindi magpipigil eh. He'll just let it all out.


"So, try to exceed your limits. Gamitin niyo ang game para mas mag-improve ang ability ng magic niyo." Rill said as he looks at Ace na nasa tabi ko. Kanina ay sinabi niyang ipipikit lang daw niya ang mata niya but he ended up sleeping.


"Ace absorbed Captain Charlotte's magic when she attacked him. Kahit ako ay nagulat noong nagawa niya 'yun." Nakakunot noong sabi ni Toby.


All of us were confused but at the same time amazed. Ace manages to broaden his magic. He can now absorb other people's magic and turn it into his fire.


Lagpas na sa lagpas ang pagkamangha ko sakanya. He's just full of surprises.


"Hindi ko rin alam kung paano ko nagawa 'yun. It just happened." Biglang salita ng katabi ko. Kailan pa siya nagising? "But, it takes almost seventy percent of my magic energy." Dugtong niya. Well, after the game he seemed drained.

Kanina pagkatapos ng unang game, inanunsyo na ang susunod na laro. This time, each team can only choose one representative to compete in a race. Pwedeng ang maglaro ay ang kasama sa frontline o di kaya sa subs.

The only rule to the game is that the players aren't allowed to use their magic bukod doon ay wala nang iba.



Players will be transported to the Central's forest at kung sino ang mauunang makarating sa dulo ay ang mananalo and will be transported back to the stadium


"Sino ang maglalaro sa race?" Tanong ni Rill.


"Sayang kasi bawal gumamit ng magic, si Toby sana pambato natin." Sagot ni Kit.

Sino ba pwedeng maglaro sa amin? We need someone who has a strong physical ability. Someone who doesn't get tired right away.


Tila iisa lang ang pumasok sa isip naming lahat.

Sabay sabay kaming tumingin kay Clive na ngayon ay nakatungo. Nang naramdaman niyang nakatingin kami sakanya ay dahan dahan siyang nag-angat ng tingin sa amin.


All of us are grinning. Si Rill ay nakangisi na din ngayon na akala mo'y may masamang balak sa kawawang Clive.

"B-bakit?" Tanong niya.

Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon