43

124 9 1
                                    






[Priya]




"Good morning, Tita!" Masiglang bati ko sa Mama ni Captain Aries pagkarating namin sa bahay nila.

Magkakasama kaming lahat maliban kay Daphne na nasa Meadowpelt at kung hindi lang talaga maganda ang mood ko ay kanina ko pa sinita si Captain.

Magmula kasi nang lumakad kami at pumunta sa bahay nila ay hindi na siya umiimik. Kahit tanungin namin siya ay hindi sumasagot. Wala yata sa mood o baka badtrip.

"It's nice to see you here, pretty lady!" Bati sa akin pabalik ng Mama ni Captain Aries.

Binati rin siya nina Sapphire at agad niya kaming pinapunta sa dining area para yayaing kumain. Hindi na rin kami tumanggi dahil baka makahalata siya na may sadya kami sa bahay nila.

Honestly, I don't think infiltrating the court head's house is a good idea. Malakas ang kutob ko na wala siyang kinalaman sa nangyayari. Besides, he was the court head during Sir Dylan's time as a Dawnless Captain. Ang balita ko pa nga ay malapit sila at mabuting magkaibigan kaya malabong siya iyon.

At kung si Sir Alecdora nga, sigurado akong malalaman ni Captain Aries kaagad. He has the most absolute instinct among us, mararamdaman niya agad kung may mali sa pamilya niya.

"Ano na kaya ang nangyayari sa iba? I hope they are all doing fine." Sapphire said while eating a piece of bread.

Bigla ko tuloy naalala si Clive. Sana ayos lang siya at sana matagalan niya si Cressida. I know that he is way too patient. Sobrang mapagpasensya siya at maintindihin sa mga taong nasa paligid niya so I do hope that he is doing great with their mission.


"Ano nga ulit yung pangalan nung lasinggera sa Pridewood?" Tanong ni Miller.

"Si Scout." Sagot ko.

Tumango tango si Miller. "From what I remember, yung mission niya sa Arkinas ay tungkol sa biglaang pagkawala ng mga taong nakatira doon. Lahat daw ng mga sibilyan ay bigla na lang nawala. Ni walang nabawas sa mga gamit nila sa bahay."

"Baka naman may mga pinuntahan?"

Umiling si Miller. "Hindi ko alam pero parang may mali sa pangyayaring 'yun."


"Si Daphne kaya?" Tanong ni Sapphire.

"What about her?" Sabay sabay kaming napalingon kay Captain Aries dahil sa biglaang pagsalita niya. Ngumisi si Miller at napailing lang si Maximo sa kanya.

"I mean, ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Concerned lang ako kasi sa Meadowpelt sila pumunta, di'ba? She must remember her Ate Celine for sure."

Napaisip ako sa sinabi ni Sapphire. She is right, it might bring back memories to Daphne. Nakakalungkot lang dahil sa tuwing naiisip ko ang lahat ng pinagdaanan niya ay hindi ko maiwasang malungkot at mamangha.

Sa lahat ng nangyari sa kanya, kung sa akin nangyari iyon ay baka lugmok na ako. She is strong and brave. I admire that.

"She's with Mason and Akira, walang mangyayaring masama sa kanya." Masungit na sabi ni Captain Aries.

Hinintay pa naming makaalis ang Mama ni Captain Aries bago magsimulang maghanap sa bahay nila. Medyo nakakailang nga dahil parang wala kang kay Aries ang ginagawa namin.

Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon