[Ace]
"Ace, nandito na si Ate Celine. Siya naman ang magbabantay kay Daphne. Magpahinga ka na muna." Mason told me as he opened the door to Daphne's room.
Tumayo ako at kinuha na ang mga gamit ko. "Sige, babalik ako dito bukas, ah? Pakisabi na lang kay Rill na mauuna na muna akong babalik sa Whitlock."
Hinawakan niya ang balikat ko at tinapik ito. "Limang araw ka nang pabalik balik dito, Ace. It's time for you to rest."
Napailing ako. Wala na sa bokabularyo ko ang salitang 'yan. "Pasensya na pero alam mo naman kung bakit ko ito ginagawa, hindi ba?"
He sighed. "I know and that's why I'm telling you to rest. Paano na lang kung umatake na naman ang grupo ni Hades at hindi maayos ang kondisyon mo? How can you protect her this time?"
Mapait akong napangiti. Isang malaking sampal sa akin ang tinanong ni Mason. Hindi ko siya nagawang protektahan noon at ngayon naulit na naman. I blame myself for this, I always have and always will.
Pagkatapos ng insidente five days ago, the Central Magic Games was canceled. Nagkaroon pa ng paglilitis tungkol sa ginawa naming plano nina Rill dahil kumilos kami ng patago at hindi namin ito ipinaalam sa Council.
As a result, Rill was suspended for two weeks. Ang buong Pridewood ay dalawang linggo ring hindi makakatanggap ng missions. Si Leo naman ay tulad ko, suspended rin.
Habang ang grupo naman ni Charlotte na siyang tumulong sa amin ay isang linggong suspendido.
Hindi nagustuhan ng Council ang patago naming pagkilos kaya simula nang insidente ay sila na ang mamumuno sa paghahanap kina Toby. Bantay sarado rin ang bawat isa sa amin kaya sa ngayon, hindi talaga kami makakakilos.
Our whole team was in chaos. Nag-rebelde si Kit, araw-araw nagwawala sa loob ng base. Si Violet naman ay nanatiling nasa mansion nina Daphne upang maging healer niya. Gray went back to his family for a while. Tanging si Scout, Clive, Kit, at ako ang nasa base.
Sinubukan naming habulin ni Miller si Toby pero hindi kami nagtagumpay. Ang grupo ni Charlotte na nakaabang sa lalabasan niya ay inatake ng mga tauhan ni Alexandria kaya hindi nila nakuha si Toby.
Nang makarating na ako sa Whitlock, I saw Aries standing in front of our base. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
"I've been waiting for you." Seryoso niyang sabi sa akin.
"Anong sadya mo dito?" Tanong ko.
"About Daphne." Sagot niya. Kumunot ang noo ko. Ano naman ang kailangan niya kay Daphne? "How is she?"
I sighed. "She's still not awake but Violet said that her vitals are doing good."
Tumango siya sa akin. "I have a proposal to make and I want you to be open-minded. Patapusin mo muna akong magsalita bago ka mag-react."
"Ano nanaman ba ito, Captain?"
"When Daphne wakes up..." He paused for a moment at tumingin ng diretso sa akin. "I'll be taking her to be a member of Dawnless."
BINABASA MO ANG
Pridewood: Daphne's Revenge
FantasyFACTION SERIES #1 Completed Daphne seeks to join and be a magic user to take revenge and know the truth about her brother's death. Would she be able to do her revenge for her beloved brother or would she be doing it for someone else?
