[Toby]Isang malakas na latay ang natanggap ko kay Alexandria nang ibinalita ko ang nangyari. Tiniis ko ang hapdi at sakit na dulot nito sa likuran dahil wala naman akong magagawa.
Nagkamali ako.
"Isa kang malaking tanga! Bakit mo hinayaang makita nila ang mukha mo?!" Malakas na sigaw niya sa akin.
Matalim ko siyang tiningnan kahit na nahihirapan akong igalaw ang katawan ko ay pinilit ko pa ring tumayo ng matuwid. "Hindi ko alam na naghihinala na pala sila akin. Sa tingin ko ay may ibang tumutulong sa kanila." Diretsong sabi ko.
Hindi niya ako pinansin at tinulak niya lang ako palayo. "Ha! Hindi na nakakagulat 'yan! May tumutulong talaga sa kanila kasi kung wala ay hindi naman sila maghihinala sa'yo. Bobo!" Sigaw niya sa akin.
Napayuko na lamang ako. I can't blame her, it's really my fault. I let my guard down. Hindi ko aakalaing ganoon nila kabilis malalaman ang lahat.
"Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Master Hades? Hindi lang ikaw ang mapapamahak, mas malala pa ang parusang matatanggap ko dahil sa kabobohan mo!" Huminga ako ng malalim at nilapitan siyang muli.
"Kakausapin ko siya! Ako ang tatanggap ng parusa mo."
Malakas siyang tumawa. "At sa tingin mo naman na ang isang tulad mo ay magkakaroon ng tiyansang makita at makaharap si Master Hades?"
Hindi ako nakapagsalita at nanatiling nakatitig lamang sa kanya habang siya ay nakaupo at nakataas ang paa sa lamesa.
Iisa lamang ang dahilan kung bakit tinitiis at ginagawa ko ito. Wala sa plano ko ang magtaksil sa grupong itinuring ko nang pamilya.
Ngunit mas matimbang ang pagmamahal ko sa kanya.
I walked towards the door to lock it at dahan dahang lumapit sa kanya. "Pakiusap, huwag ka nang magalit sa akin mahal ko." Mahina kong bulong sa kanya.
"Hindi mo 'ko madadaan sa romansa mo, Tobias. You don't get it do you?" Nagpipigil galit na tanong niya sa akin.
Naiintindihan ko lahat, mahal ko.
Alam kong ginagawa mo lang ito upang tuluyan ka nang makalaya sa kamay ni Hades. Alam kong ginagawa mo lang ito upang maging isang tao ulit.
Alam kong nahihirapan ka na.
"What's the next plan, my love?" Tanong ko.
"Pahuhupain muna natin ang nangyari. Isang babala na ang ibinigay natin sa kanila kaya paniguradong may paghahanda na rin silang ginagawa. Hindi ka na makakabalik roon, Toby." Bagaman may sigla akong naramdaman sa aking puso dahil hindi na ako mawawalay sa kanya, mayroon pa ring panlulumo at panghihinayang akong nararamdaman.
Patawad, Rill...
"Panigurado akong nagsisimula na rin si Master Hades sa kanyang plano, hindi pwedeng masira ito kaya sinabihan niya akong bantayan ka." Dagdag niya pa.

BINABASA MO ANG
Pridewood: Daphne's Revenge
FantasyFACTION SERIES #1 Completed Daphne seeks to join and be a magic user to take revenge and know the truth about her brother's death. Would she be able to do her revenge for her beloved brother or would she be doing it for someone else?