46

130 7 0
                                    





[Daphne]



Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Matutuwa dahil alam ko na kung nasaan si Ace o magagalit dahil sa nalaman ko tungkol sa ginawa niya.

He is putting himself in danger, hell, he is in danger and it is all my fault. He knew how enraged I am in avenging my brother, at ngayong alam na naming lahat kung sino ang totoong kalaban, kumilos siya. Mag-isa.

Alam ko at ramdam ko ang pagpapahalagang ipinapakita niya sa akin kahit na madalas ay ginagawa niyang biro. I know he sees me as a dear friend too. Tulad ng pagpapahalaga at pagmamahal ko sa kanya ay ganoon rin siya sa akin.

Alam ko.

I know because he is Ace. He is Ace.


"You had him already. Bakit mo siya pinakawalan at hayaang pumunta kay Hades?" Tanong ko.


"Dahil hindi ako interesado sa kanya at alam kong dadalhin niya lang sa hukay ang kanyang sarili." Nakangising sagot ni Columbus sa akin.

Lumapit si Rill sa akin at bumulong. "Paparating na si Charlotte kasama ang buong Council. Puntahan mo na si Ace at kami na ang bahala kay Columbus. Huwag ka ring mag-alala dahil hindi naming hahayaang makalapit siya kay Akira."

Tumango ako. "I thought you didn't see through my plans."

He chuckled. "Kilalang kilala ko ang kapatid mo at kahit hindi kayo magkaparehas ng ugali ay marami pa rin kayong pagkakatulad. You think alike when it comes to fighting."


"I trust you, Rill. Protect them, protect our family."

It was unfair of me to go and leave them behind but I do trust them... a lot. 

Mas nangingibabaw nga lang ang pag-aalala ko kay Ace sa hindi malamang dahilan at hindi sa wala akong tiwala sa kakayahan niya ngunit ngayon pa nga lang na si Columbus pa lang ang kaharap namin ay nahihirapan na kami, paano kaya pag si Hades na?

Subukan mo lang mapahamak, Ace, ako ang sasapak sa'yo. Masiyado kang masakit sa ulo.

"I'll go with you." Bulong sa akin ni Aries.

Umiling ako. "They need you here."

Kumunot ang noo niya. "Kailangan mo ako doon."

"Ace needs me there. Kaya ko, maniwala ka sa'kin."

He still looks hesitant but he nodded at the end. I smiled at him and gently touched his hand.

"Nandoon sila..." Lumingon ako sa biglaang pagsasalita ni Columbus. "...sa lugar kung saan ka nagsimula. Sa lugar kung saan ka bumuo ng mga kaibigan at mga ala-ala."

Nasa Pridewood si Ace.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad nang tumalikod. I sent a message to Columbus to tell him where Akira is and I heard his laugh so I assumed that he received my message.

Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon