45

137 9 0
                                    







Sobrang lawak ng Whitlock at sa kada dadaanan ko ay may nakakalaban ako.

Hades really created an army just like Akira told us earlier. Not just an ordinary army, malalakas rin.

My mind is clouded and I'm not at ease. Una, twenty minutes na ang nakakalipas at hindi ko pa rin nahahagilap si Ace. If he is fighting, I don't see any signs of him. Pangalawa, ang katotohanang nandito si Columbus at Hades. Nasaan sila? Sino kaharap nila ngayon? Ni hindi ko pa nakikita si Rill kahit sinabi ni Mason na nandito na daw sila.

Pangatlo, ang grupo nina Violet, Clive, at Aries. Anong nangyari sa mission nila? Are they safe? Kuya Dylan told me that they are facing the members of the Midnight Sun. Nakakainis lang at wala akong balita tungkol sa kanila.



Mabilis akong umiwas nang atakihin ako ng isang malaking ogre gamit ang itak nitong mas malaki pa yata sa akin. Using the sword that I saw earlier on the ground, mabilis kong isinangga iyon sa itak na hawak niya.

I didn't realize earlier that there are hundreds of creatures in all of Whitlock, hindi pa nga ako sigurado dahil baka mas madami pa.


After I stabbed the ogre's chest, dumiretso na agad ako sa paglalakad. Lakad takbo na nga ang ginagawa ko dahil habang nagmamadali ay palinga linga rin ako sa paligid baka sakaling makita ko si Ace.


Nasaan na ba ang isang 'yun? Kapag hindi ko pa siya nakita ay baka mas lalo lang ako mag-alala.


"Daphne!" Mas mabilis pa sa hangin ang ginawa kong paglingon nang may tumawag sa pangalan ko.


As I turned my back, I saw Clive, Scout, Cressida, and a guy whom I'm not familiar with. Tumakbo ako papunta sa kanila. Lahat sila ay hindi na maayos ang suot, kundi may dumi ay may mga bakas ng dugo.

"Anong nangyari?" Tanong ni Scout.


"Hades and Columbus are here. Kakarating lang namin nina Mason galing Meadowpelt. Kayo?" Hindi ko maiwasang hindi tingnan ang lalaking nasa tabi ni Scout dahil hawig na hawig niya. Bukod pa doon, ang magic energy na mayroon ang lalaking ito ay hindi biro.


"Galing kami sa Quartz. Baltazar was there and we wouldn't be alive now if it wasn't for my brother....this is my brother, Sorren." Pakilala ni Scout sa kapatid niya. I knew it.

Tumango lang ako kay Sorren tsaka bumaling kina Clive at Cressida.

"Okay lang kayo?" Tanong ko sakanila.

"We're fine now. Thanks to Sorren, we are completely healed." Si Cressida ang sumagot. "Nandito na ba ang grupo nina Zora? I haven't seen them yet."


Umiling ako. "Hindi ko pa rin sila nakikita. I'm sure they're on their way here too."


Tumango si Cressida. "I think we need to help the others first. Nag-ikot na rin kami kanina at naitakas naman ang mga nakatira dito. Only the magic users are here."

Agad na kaming kumilos para tumulong sa iba pa. Sobrang daming alagad nina Hades, hindi mabibilang. At magsisinungaling ako kapag sabihin kong kaya namin silang lahat.

Kung sa lakas ay mas lamang kami pero sa dami? Malabo. Talo kami. Sa sobrang daming alagad nila ay mauubusan kami ng magic energy at iyon ang ikatatalo namin.

Nasa may parte kami ngayong Whitlock kung nasaan ang palengke ng bayan. Nanlumo ako nang makitang sira sira na ang mga tindahan at nagkalat na sa kung saan saan ang mga paninda.

Mahigit singkwenta yata ang mga kalabang nandito at lima lamang kami na tatapos sa kanilang lahat.

"Scout, take the ones on the left and I'll handle the one on the right." Biglaang salita ni Sorren kaya napatingin kaming lahat sa kanila. "My sister and I will handle this. Pumunta na kayo sa iba pang lugar."

Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon