32

145 11 0
                                    










[Daphne]




Onti onti akong napaatras habang nakahawak pa rin ng madiin sa espada ko. Hindi ko alam na may mga yeti pa rin pala sa lugar na ito. Akala ko ay matagal na silang nawala?



Higit pa ata sa triple ang laki nito sa akin. Kulay puti ang mabalbon na balat nito at kulay pula ang mga mata.


Nasaan ka ba, Aries? Ang bilis bilis niya kasing maglakad kaya nagkahiwalay kami.


Nagulat na lamang ako nang mabilis akong hinampas ng yeti gamit ang malalaking niyang kamay. Hindi ko nagawang maiwasan yon kaya naman ay tumalsik ako sa gilid.


"Ugh!" Ang sakit ng paghampas niya sa akin. Akala ko ay makakatayo ako kaagad pero nagkamali ako. Sinundan niya pa ulit ng isang malakas na paghampas gamit ang malalaking nitong kamay kaya tunalsik na naman ako sa kabilang direksyon.



Gusto ko sanang sisihin si Aries dahil mabilis siyang maglakad pero kaya ko namang tapusin ang yeti na ito. The only problem is, I'm sensitive to cold. Kahit pa may makapal akong suot ay nilalamig pa rin ako kaya hindi ako makakakilos ng maayos.


Nanlaki ang mata ko nang makitang hahampasin ulit ako nito kaya naman kahit na nanginginig na ang kamay at binti ko sa lamig ay sinubukan ko pa ring tumayo. Itinukod ko ang sword ko sa nagkakapalang niyebe sa lupa para mas mabilis ang pagtayo ko.



"You can hit me twice, but after that, it's game over for you." Matalim kong tiningnan ang yeti na akala mo naiintindihan ang sinabi ko.


But to my surprise, I saw how it smirked. What the hell?



Mabilis akong nakaiwas nang sinubukan niya ulit akong hampasin. I quickly ran behind it and was about to slash its neck when I suddenly rise off the ground.


Nabitawan ko ang hawak kong sword at dahan dahan akong lumingon sa likod.


Another yeti!

Fuck, ilang ba silang nandito? At nasaan na ang kapitan ko?

I struggle just to get off but the yeti's grip is too tight. Hawak niya lang ako sa coat ko at nang subukan kong hubadin ang coat para makatakas ay bigla na lamang nito hinawakan ang paa ko.


"Let me go!" Nakatiwarik na ako ngayon. Galaw ako ng galaw baka sakaling mabitawan ako ng yeti pero masyadong mahigpit ang hawak nito sa akin.



"Aries!" I screamed.


I was hoping that this time he would hear me but I failed.


Hindi ako makapaniwalang tumatawa ang dalawang yeti pagkatapos kong sumigaw. I can't believe that they can understand me, or so I thought.


"Where are you taking me?!" Nagsimula nang maglakad ang dalawang yeti papunta sa hindi ko lang kung saan. "Stop!" Naiinis na ako.


Hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ng mga ito. I'm tired of struggling, bukod pa doon ay nanghihina na ako dahil sa lamig.



Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon