[Daphne]
Wala na akong pakielam sa mga kalabang nadadaanan ko. Wala akong oras para kalabanin silang lahat kaya naman sa bawat takbo ko at may haharang sa akin ay mabilis ko lang itong iniiwasan.
"Argh!" Hindi ko napansin ang isang kalaban na umatake sa likuran ko kaya naman ay napaluhod ako sa lupa.
Nakakainis. Harang.
Mabilis kong binunot ang espada ko at walang atubaling sinaksak ito na agad namang namatay.
Wala talaga akong oras para sa ibang mga kalaban. Importante sa aking makita ko si Ace. Masiyado akong pinag-aalala ng isang 'yon at malilintikan talaga siya sa akin mamaya.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon dahil marami ang pumapasok sa isipan ko. Iniisip ko si Ace maging ang mga kasamahan kong naiwan kasama si Columbus.
Kung maaari lang ay matapos ko agad nang isahang sabog ang digmaang ito ay gagawin ko para ni isa sa kanila ay hindi mapahamak. Hindi ko na alam talaga ang mararamdaman ko pa kapag may napahamak ulit dahil dito.
Sarili ko lang ang sisisihin ko sa kung anong magiging kalalabasan ng gulong ito. Ngunit hindi ko rin mapapatawad ang mga taong nasa likod ng kaguluhang ito. Hinding hindi ko mapapatawad kung sakaling may mapahamak.
I'll make them suffer and pay. Even if this fight will cost me my life. I will happily sacrifice it just to make this war stop.
Gagawin ko ang lahat.
My brother is right. Ang labang ito ay hindi na lamang para ipaghiganti siya, this fight is to protect my friends and my family. Aside from my brother, they are the one who keeps me whole and together. I owe everyone and being able to stop this war is my way of repentance for dragging them into this mess.
Natanaw ko na ang base ng Hazerider kaya naman mas binilisan ko na ang pagtakbo dahil malapit na ako sa Pridewood.
Ngunit napatigil ako sa pagtakbo nang makita ko si Captain Leo, Captain Charlotte, Clive, at ang ilan sa mga miyembro ng Council. Nahagip rin ng mata ko ang dalawang presidente na sina President Heath at Belladona.
"Clive, what happened here?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanila. Tinuro ko ang tambak ng mga patay na katawan ng mga kalaban.
Clive pointed Captain Leo. "He did it."
"Don't look at me like that, personal reasons." Kibit balikat niya. "You're on your way to Ace?"
Tumango ako. "Yes. Nagmamadali ako papunta roon. Mauuna na ako."
"Akala ko nandoon ka na. I just saw you ran inside your base, Daphne." Captain Charlotte said.
Umiling ako. "Hindi, papunta pa lang ako doon. Kasama ko sina Aries kanina maging si Rill. They are fighting Columbus right now. Anong sinasabi mo?"
"No, I'm positive. I just saw you."
Natigilan ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Pridewood: Daphne's Revenge
FantasyFACTION SERIES #1 Completed Daphne seeks to join and be a magic user to take revenge and know the truth about her brother's death. Would she be able to do her revenge for her beloved brother or would she be doing it for someone else?
