33

152 12 4
                                    





[Daphne]





"Kanina ka pa tahimik." Nag-angat ako ng tingin dahil sa biglaang pagsasalita ni Aries. Nasa loob na kami ng karwahe pabalik ng Whitlock. Malapit na rin magdilim dahil sunset na.



"Tahimik naman talaga ako." Sagot ko sa kanya.


"I doubt that. I saw how loud you can be when you were inside Miss Akira's illusion. Maingay ka, pero...." Kumunot ang noo ko nang nakita ko ang nang-aasar niyang ngiti.


"Pero?"



Umiling siya. "Nothing." Hindi ko na lamang siya pinansin at muling inalala ang mga nangyari kanina.


The truth is, I wanted to stay longer and talk about my brother with Akira. Masaya ako sa mga naririnig ko tungkol kay Kuya Dylan, masaya akong makausap ang isa sa mga taong mahal niya. But, I know for a fact that we didn't go there just to reminisce about my brother's memory.




I'm interested in how my brother lived even before I was born. Alam kong mahusay siyang magic user dahil hindi siya magiging court head kung hindi.


Gabi gabi ay hindi nawawala sa isipan ko ang lahat ng mga alaala ko kay Kuya Dylan. It never left my mind, not a single bit of it. I remembered how he taught me to bake a cupcake, saying that someone he knows loves his pastries.


Sa totoo lang, I don't like sweets. But every time I saw how my brother's eyes sparkled, wala nakahiligan ko na rin. Nakakatuwa nga na sa personalidad niya bilang court head, isa siyang malambing na kuya pag-uwi.



Hindi ko na alam kung ilang beses ako bumuntong hininga hanggang sa makabalik kami sa Whitlock. Muntik ko na nga ipatigil ang sinasakyan naming karwahe nang makita ko si Violet at Kit sa daan ngunit agad na nawala iyon nang maalala ko ang nangyari sa amin ni Ace kagabi.


Aaminin kong may tampo pa rin ako pero hindi ko maitatanggi na pamilya pa rin ang turing ko sa kanila. The times I spent with them are priceless. After my brother's death, isa sila sa mga dahilan kung bakit kahit papaano ay gumigising akong maayos ang mood o di kaya'y hindi nakasimangot.



Pagkababa namin ni Aries sa karwahe ay sinalubong kami nina Priya.


"How's the mission?" Masiglang tanong ni Sapphire.


Ako ang sumagot. "Okay lang."

She pouted her lips and seems unsatisfied with my answer kaya binalingan niya ang tahimik na kapitan na nasa tabi ko. "Captain, what can you say?"

Tumingin lamang siya gamit ang usual na expression ng mukha niya. Walang kabuhay buhay. "None of your business, Sapp." Astang maglalakad na sana siya papasok nang pinigilan siya ni Priya.



"Not so fast, Captain. We'll eat dinner under the magnolia tree today." Priya smiled.


"I'm not hungry." He clicked his tongue and looked at me. "How about you, little mouse?"


"Of course, I would go with them. I love the view of the magnolia tree. It's relaxing at isa pa, nagugutom na ako." Diretso kong sagot at tumawa ng bahagya si Miller at Maximo kaya nakaramdam ako ng hiya.


Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon