34

146 10 3
                                    








[Third POV]






"Tawagin si Baltazar!" Sigaw ng lalaking nakaupo sa mataas na silyang gawa sa ginto. Dahil sa takot ng mga tauhang nasa loob ay mabilis silang lumabas upang gawin ang ipinag-utos ng lalaki.




Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang lalaking nag-ngangalang Baltazar. Matangkad at malaki ang katawan nito, kulay pula ang mga mata, at nakasuot ng itim na mahabang roba.




"Pinapatawag niyo raw ako, Master Hades." Bungad nito pagkapasok. His baritone voice echoed throughout the room. Matapang ang postura ni Baltazar ngunit nag-iiba ito tuwing kaharap niya ang lalaking tinawag niyang Master Hades.




"Peste talaga ang mga taga-North na iyan! Hindi ko malaman kung ano ba ang koneksyon nila sa magkapatid na 'yon at patalikod kung tumulong!" Galit na sigaw ni Hades.




"Kung gusto niyo po ay ako na ang tatrabaho sa kanila." Baltazar suggested but Hades just clicked his tongue loudly.




"Pinuntahan na ni Columbus ang bahay ng lalaking taga-North pero walang nakuhang impormasyon." Maging si Baltazar ay hindi nagustuhan ang narinig. "Tonta! Mukhang pinaghandaan nila!"



"Anong gusto niyong gawin ko?"



"Attack Meadowpelt, ang mansion ng mga Lennox!" Hindi na nagdalawang isip pa si Baltazar at agad na tumango sa utos ni Hades.




Mabilis siyang kumilos at pinaghanda ang mga tauhan niya. Sumilay ang mala-demonyong ngisi ni Baltazar bago hinaplos ang malaking espadang sa sobrang kintab ay maaari nang makita ang sarili ng malinaw.




"Mukhang masaya ka, ah?"



Nilingon niya ang boses ng babaeng nasa may bungad ng pinto. "Dahil magagamit ko na ang espada ko ngayon, Alexandria. Unlike you, I don't just go around fucking a useless human." Patukoy ni Baltazar kay Toby. "Hindi ko maintindihan kung bakit nahuhumaling ka sa lalakeng iyon."



"Huwag mo nga akong pakielaman, may pakinabang si Tobias sa akin. Baka nakakalimutan mong siya ang bumaril sa babaeng Lennox?" Sagot ni Alexandria.



Tumawa ng sarkastiko si Baltazar. "Ha! Go on and flaunt your boy. Alam mo kung ano ang dulo ng kabaliwan na 'yan. Ginagamit lang natin siya, Alexandria."




Hindi na nagsalita si Alexandria at umalis na lamang sa kwarto ni Baltazar.




Madilim na sa labas. Nag-desisyon si Baltazar na umatake sa Meadowpelt ng madaling araw. Oras kung saan tulog pa ang lahat o di kaya'y hindi pa handa.




"Get ready for my arrival, Meadowpelt."









[Daphne]





Naglakad akong mag-isa pabalik sa base ng Dawnless dahil iniwan ako ni Aries doon. Hindi ko na inantay ang hapunan dahil nawala ang mood ko dahil sa nangyari.




Ace even tried to escort me out pero tumanggi ako dahil isa siya sa dahilan kung bakit nawala ako sa timpla.




Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon