40

146 11 2
                                    




[Ace]

On the day of Toby's execution


"Ilang minuto pa Rill?" Mahinang tanong ko sa kanya limang minuto pagkatapos kaming ipasok sa loob ng quarters.

"Be patient, Ace. Palagi ka na lang nagmamadali." Napapailing na sagot niya sa akin. Nagsindi pa siya ng sigarilyo niya at tinaas ang paa sa isa pang upuan na akala mo komportableng komportable siya.


Nang inilabas kami sa hall papunta sa quarters ay nasa labasa na si Cressida. Sinenyasan ko na lamang siya at mabuti nakuha niya agad ang gusto kong mangyari.

Ayos lang naman talaga sa amin na madala dito sa quarters, we expected it already kahit sinabi na sa amin ni Aries kanina ang desisyon ng Council. He gave us a heads up about it kaya mabilis nakaisip ng paraan si Rill at Leo. Oo, kasama si Leo sa plano kaya kanina ay pinahupa niya ang pagtatanong ni Daphne kina Miss Astra.

Ang plano ay papasok sa loob si Cressida, syempre ay gagamitin niya ang magic niya para magawa iyon. Kailangan ko kasing mapuntahan si Toby sa cell kung saan siya kinulong at nalaman namin iyon sa tulong ni Aries.

"Huwag ka masiyadong magtatagal doon, Ace. Kausapin mo agad si Toby at sigurado akong may makukuha tayong impormasyon sa kanya. Cressida can't use her magic for long, baka maalerto ang Council." Tumango ako sa sinabi ni Rill at naghintay na lamang ng ilang minuto para sa hudyat ni Cressida.


Kung ako ang masusunod, plano kong itakas si Tobias dito. I want him to be punished but I don't want him dead. I want him to help us to atone for his sins. Gusto kong magsisi siya dahil tinraydor niya kami. Gusto kong maisip niya na kahit ganoon ang ginawa niya, iniisip pa rin ni Daphne ang kapakanan niya. I want him to see that.

But our President's wit is beyond my league, nabasa na niya agad ang gusto kong mangyari at agad na pinigilan roon. Noong inanunsyo kanina lang ang parusang ibinigay kay Tobias, matinding pagpipigil ang ginawa ko para lang huwag magwala, idagdag mo pa ang nalaman ko tungkol sa tatay ko.

Charlotte's my half-sister. Hindi man kumpirmahin ni Rill iyon, alam kong 'yun na nga ang kaso. Sa paraan pa lang ng pananahimik niya kanina at pagpigil na huwag akong gumawa ng eskandalo, alam kong alam niya.

"Kid, are you daydreaming again? Sino na namang iniisip mo? Si Daphne?" I was taken back to reality when Rill snapped his fingers in front of me. "Cressida did it. Wala nang bantay."

Sa gulat ko ay agad akong napatayo at sinilip ang hallway upang makumpirma ang sinabi ni Rill at doon ko nakitang wala ni isang anino ng mga nagbabantay sa amin ang nandoon.

"Make it quick. Do you still remember where Tobias is placed?"

Tumango ako. "Underground basement."

Pinit ko ang door knob at nakahinga ako ng maluwag nang bumukas iyon. Dahan dahan akong lumabas at bago tuluyang umalis ay sinilip ko ulit si Rill ba tumango lang sa akin.

Thanks to Aries, I was able to go down the basement smoothly. Kung hindi niya kami tinulungan ay paniguradong magtatagal pa ako sa paghahanap kung saan dinala si Tobias.

Base sa sinabi ni Aries kanina, sa oras na ito ay tapos na ang interrogation kay Toby. Wala na ang mga miyembro ng Council pati na rin ang Court Head at tanging mga guards na lang ang naririto pero dahil sa tulong ni Cressida ay maging sila ay wala na rin.

Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon