15

186 16 0
                                    



[Zora]

A few minutes before Daphne was kidnapped

"Samahan mo na kasi ako!" Sigaw ko kay Alex.

Kakalabas lang namin sa base ng Hazerider. Hindi na kasi kami nakapunta doon sa pagsasalo para sa mga factions dahil naglinis kami ng buong base.

Kung hindi naman kasi kalahating tanga si Alex ay hindi sana kami mapapahamak at mapapagalitan ni President Belladona.

"Nako, 'wag mo na ako idamay sa binabalak mo, Zora. Lagot ako kay Kuya kapag nalaman niyang lumabas ako ng Whitlock ng walang paalam." Wala talagang kwenta si Alex. Panget kabonding!

Gusto ko lang naman pumunta sa isang village kasi balita ko ay may witch daw na nagtatago doon.

Where's the fun of being a magic user?

Tsaka titingnan lang naman namin, it's not like we're gonna attack the witch or something.

"Wow! Sana sinabi mo 'yan kanina bago pa tayo makarating sa gate ng Whitlock 'no." Baliw din kasi. Kung kailan nandito na kami malapit sa labasan eh biglang aatras.

"Sana kasi pumunta na lang tayo doon sa handaan. Edi sana nakita ko si Kuya tsaka si Daphne." Sagot niya. Niyaya ko siya kanina dahil gusto kong puntahan rin si Daphne kaso sabi niya ay tinatamad raw siya bago ngayon gusto na niya pumunta.

Hindi pa ako nakaka-move on sa pagkanta niya kanina.

Ang ganda ng boses niya talaga!

Babalik na sana kami nang bigla akong nakaramdam ng sound wave.

Unfamiliar sound wave.

Halos lahat kasi ng tao dito sa Whitlock ay pamilyar na ang sound wave nila, it means that I already know the sound of their heartbeat.

Pero itong nararamdaman ko ngayon ay iba. Hindi normal na heartbeat ang naririnig at nararamdaman ko.

It feels foreign.

"Is there something wrong, Zora? Napatigil ka 'ata?" Tanong ni Alex pero hindi ko siya pinansin.

Pinakiramdaman ko ng maigi ang sound wave na nasasagap ko.

Palakas nang palakas ang nararamdaman ko.

Ibigsabihin lang ay malapit lang sa amin ang taong nagmamay-ari ng kakaibang sound wave.

"You're creeping me out. Bakit ba nakapikit ka pa dyan?" Ingay ni Alex kahit kailan. Kitang nag-fofocus pa ako eh.

Napamulat ako nang maramdaman ko ang tunog ng puso niya.

It was Daphne's heartbeat.

It has the same intensity as the unfamiliar sound wave I'm feeling.

"Fuck!"

Lumapit sa akin si Alex, kinakabahan.

"Anong meron?"

Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon