36

158 13 3
                                    







[Daphne]




Dalawang linggo na ang nakakalipas magmula nang mangyari ang pagkamatay ni Ate Celine at dalawang linggo ko na ring batid na may nagbago.


Hindi lang sa akin pati na rin sa paraan ng pakikitungo sa akin ni Aries. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pagbabago niya pero hindi ako natutuwa.

Sa dalawang linggo rin na iyon ay araw-araw akong pinupuntahan ni Ace kahit sinabi ko na sa kanyang hindi na kailangan pero dahil mapilit siya ay wala akong nagawa. Mapilit siya.


Sa dalawang linggo, apat na beses na akong nagkaroon ng mission. May panahong mag-isa lamang ako at ang iba ay si Priya o di kaya si Miller ang kasama ko.

Bibihira ko lang din makasalubong si Aries sa base at kung makasalubong ko siya at susubukan kong kausapin siya ay lalagpasan niya lamang ako na para bang hindi niya ako nakita.


The restoration in Meadowpelt lasted for a week, it's a good thing that someone from the Council has restoration magic kaya napadali na lamang ito.

"Magkakaroon daw ng council meeting bukas, ipapatawag ang lahat ng presidents at captains ng bawat factions." Napalingon ako sa biglaang pagsasalita ni Priya. Kumakain kami ng tanghalian ngayon sa dining hall at mabuti na lang ay nagsalita siya kung hindi tahimik na naman kaming lahat.


"Tungkol saan daw?" Miller asked.


"About the incident." Naramdaman ko ang pagtingin nilang lahat sa akin pero hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain. "Your presence is needed there, Daphne."


Doon lamang ako tumingin sa kanya. "Why?"


Bigla na lamang siyang ngumiti. "You'll be promoted. Awarding ceremony bukas para sa mga tataas ang rank." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Does that mean—

"Wear something blue tomorrow." Singit ni Aries kaya napatingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sa akin.

"Ah, wala akong blue na damit—"


"It's not my problem anymore." Tumayo na siya sa table at nagsimulang umalis.


Sa dalawang linggo na iyon kailangan kong tiisin ang pagsusungit niya sa hindi ko malamang dahilan.


Nang sumapit ang hapon ay nagpasya ako na magpunta sa bayan para maghanap nga ng damit na kulay blue. Hindi ko rin alam bakit kailangan pati ang damit ko ay kakulay ng faction namin pero hindi na lang ako nagreklamo dahil baka kung anong pagsusungit lang galing kay Aries ang matanggap ko.


Priya and Sapphire volunteered to come with me but I humbly declined. Hindi lang ako sanay na may kasamang ibang tao sa tuwing namimili ako ng susuotin.


Isang oras ang itinagal ko bago makapili ng damit. Simpleng dress lang na kulay asul na binagay ko sa cloak ng Dawnless.


Wala masiyadong naging ganap ngayong araw bukod sa ibinalita ni Priya sa akin. Hindi rin bumisita si Ace ngayon dahil sinabi niya sa aking may inaasikaso daw ang Pridewood ngayong araw. Hindi na ako nagtanong dahil wala naman na ako sa kung anong ginagawa nila.


Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon