09

230 18 0
                                    






[Daphne]



Sa loob ng dalawang linggo ay hindi ko na ulit nakita si Aries. I heard that he was out on a mission with Priya. Naalala ko nanaman nung huli ko siyang nakita, I told him that I was allergic to beef but all he ever said was, 'It's not my problem anymore.

Kaya wala akong nagawa kundi lumabas na lang at naghanap ng ibang makakainan. It's a good thing that I bumped into Ace at sakto din na may dala siyang pagkain 'nun. He bought it for me kaya pala wala din siya sa guild nung gabi na yun.

Clive and I spent the whole two weeks taking lessons. Andromeda is the one who trained me kaya natuto ako how to do close combat. I'm not skilled like her but I can say that I'm not bad, besides, mabilis akong matuto.

Luckily, we all passed the grounding. Medyo nangamba pa nga ako kay Clive kasi he sucks at using bow and arrow.

Masaya ako kasi pwede na akong makakuha ng missions.

We are all gathered in the main lobby of our guild. Kumpleto sana kami but Violet and Kit were out for a mission.

Tumingin sa amin si Rill, "Congratulations on passing the grounding lessons, kids."

Sa loob ng two weeks rin ay hindi pa din tumigil sa pagsisigarilyo ang presidente namin at ang nakakainis pa roon ay nasasanay na ako sa amoy ng sigarilyo niya.



"I already had a mission for the both of you..." Tinuro niya kaming dalawa ni Clive. "Pero hindi kayo magsasama, I will assign your partners para a mission niyo."



A partner? Why would I need one? Kaya ko naman sarili ko.

Kaya pala muntik ka nang maging hapunan ng isang witch, Daphne.



"Clive, you'll be assigned with Toby." Rill said. Toby is the one who runs like lightning. He is nice, madalas nga lang ay wala siya sa base dahil ang alam ko lagi siyang may mission but overall okay naman siya kasama.

"...and you little princess, si Ace ang makakasama mo." Palihim akong ngumiti. Mabuti naman at si Ace ang makakasama ko. Sa loob ng dalawang linggo, we get along well. I regret calling him a weirdo and a freak because he's very nice.

Komportable ako kasama si Ace. I don't know why but with him it's always warm and at peace.

Hindi katulad sa mayabang na Aries na 'yun!



~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~~•~•~•~•


Kasalukuyan kaming naglalakad ni Ace. Wala na kami sa Whitlock at ngayon ay papunta sa isang maliit na village called Fallenorb.

The council received tons of complaints from the villagers saying that their sheep had gone missing at tuwing gabi raw ay nakakarinig sila ng alulong ng wolf.

The villagers then suspected na ang mga alaga nilang tupa ay kinakain ng mga wolves.

Dinala ko ang sword ko as my weapon at hindi ko din alam kung ilang oras na kami naglalakad ni Ace. Malayo kasi sa kabihasnan ang village na pupuntahan namin.

"Sobrang layo naman ng village na 'yan, Ace" Reklamo ko.

"We have no choice, Daph. Hindi rin naman kasi tayo pwedeng gumamit ng kalesa dahil nasa gitna ng gubat ang daan papunta doon." Ang isa na napansin ko kay Ace sa dalawang linggo na kasama ko siya ay ni isang beses hindi siya nagreklamo. He never treated me badly, lahat ng miyembro ng Pridewood ay inaalagaan niya.

Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon