[Daphne]We all remained frozen in our seats. No sign of cheers, all were left speechless.
Wala akong idea kung paano at gaano kabilis nangyari lahat ng iyon.
Scout just defeated all of the creatures at once.
Sobrang bilis ng pangyayari. In just a blink of an eye, nagawa niyang matalo ang lahat ng isang daang creatures sa loob ng dungeon.
"Holy shit!" Doon lamang kami nabalik sa realidad lahat nang marinig ang sigaw ni Kit. Napatayo ito sa inuupuan niya at patalon talong pumapalakpak.
Isang nakakabinging sigawan ang bumalot sa buong arena. Sobrang lakas. Ang sakit sa tainga pero balewala iyon dahil lahat kami ay masaya.
Patakbo kaming bumaba papunta sa may arena nang lumabas na si Scout doon. Mabilis namin siyang sinalubong ng yakap.
"Ang galing galing mo!"
Ramdam namin ang mabigat niyang paghinga dahil hinihingal pa siya nang lumabas sa dungeon.
"There you have it, folks. Our winner for the third game who defeated all one hundred creatures, Scout Nightwind!" Sigaw ng announcer. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao sa paligid.
Nang bumitaw na kami sa yakap kay Scout doon lang namin nakita ang mukha niya.
She's crying...
"Oy, sino nagpaiyak sayo?" Nakakunot noong tanong ni Kit. "Sabihin mo sakin nang madala ko sa hukay!"
"Why are you crying, Scout? May masakit ba sayo?" Tanong ni Gray.
Scout wiped her tears at kahit naluluha ay natawa siya. "Dummies, I'm just happy..."
We all went inside the hall. Lahat ng mga manlalaro galing iba't ibang factions ay naririto na.
Captain Charlotte's team immediately approached us as soon as we went inside.
"I just want to congratulate you for ranking number one today." Nakangiti niyang bati sa amin. "But we'll make sure to catch up tomorrow."
Before the first day of the games ends, inanunsyo ang ranking para sa ngayong araw at tulad nga ng sinabi ni Captain Charlotte, kami ang nangunguna.
1. Pridewood- 1,059 points
2. Dawnless- 975 points
3. Hazerider- 780 points
4. Fourspire- 545 points"Thanks but it was all Scout's doing." Sagot ni Violet.
Captain Charlotte smiled at nagpaalam na sa amin kasama ang mga kasamahan niya.
Lahat kami ay masaya. We didn't expect to obtain points that high pero Scout made it possible.
"Grabe, di ako sanay na pinupuri at nakikitang nasa taas ang pangalan ng faction natin." Di makapaniwalang sambit ni Kit.
![](https://img.wattpad.com/cover/320534832-288-k974365.jpg)
BINABASA MO ANG
Pridewood: Daphne's Revenge
FantasiFACTION SERIES #1 Completed Daphne seeks to join and be a magic user to take revenge and know the truth about her brother's death. Would she be able to do her revenge for her beloved brother or would she be doing it for someone else?