06

249 14 3
                                    




[Daphne]

Hanggang sa matapos ang faction meet ay hindi pa din ako makapaniwala. Until now, I can still feel President Rill's intimidating aura.

Is that what it takes to be a supreme magic user?

After I accepted the offer to be part of Pridewood, Mason as well as the others congratulated me. Masaya ako, that's a fact, pero hindi ko pa din maaalis ang katotohanang napahiya ako roon.

I'm already wearing Pridewood's cloak. Kulay itim ito at may simbolo na kulay asul na lobo na may puting pakpak.

It looks nice on me 'cause I'm wearing a white above-the-knee dress underneath.

At natural lang na nararamdaman ko pa din ang aura ni President Rill dahil kasama ko siyang naglalakad ngayon, together with Clive too.

Papunta na kami sa carriage na magdadala sa amin sa Whitlock.

It is where the four factions are located. Malapit lang ito sa capital, siguro mga isang oras ang byahe.

Ang Whitlock ay isang malaking bayan, malaking bayan kung nasaan ang apat na factions. Sa apat na sulok ng Whitlock ay roon nakatayo ang guild hall ng bawat faction. It is where we will be staying dahil parte na kami ng faction.



Hindi pa ako nakakarating sa Whitlock dahil tanging mga members lang ng faction at council ang maaaring makapasok roon.

"Nandito na tayo." President Rill spoke. Maging ang karwaheng sasakyan namin ay kulay itim at may malaking simbolo ng Pridewood.

Binati ni President Rill ang kutsero at sinenyasan kami na pumasok na sa loob. I immediately went inside at umupo sa may tabi ng bintana. Sumunod na din si Clive na tumabi sa akin at ang president na umupo sa harapan namin.

Walang nagsasalita sa amin, dahil sino ba namang gugustuhing magsalita eh ang sama ng tingin sa amin ni President Rill? Ano bang problema niya?

Napaisip ako, makakatagal ba ako sa grupong ito? Hindi ko pa nakikilala ang ibang miyembro ng Pridewood pero mukhang mas malala sila, presidente pa lang nila ay weirdo na. Ano pa kaya sila?

"U-uhm..." Hindi nanaman makapagsalita ng maayos si Clive. Mukhang may gusto din siyang sabihin but he's also intimidated or weirded out by the man in front of us.

Inunahan na siya ni President Rill magsalita, "Before we get there, allow me to introduce myself, I'm Rill." Bored niyang pagpapakilala sabay hithit ng sigarilyo at ibinuga sa amin.

Napaubo ako nang malanghap ang usok galing sa sigarilyo niya.

Tumawa siya nang maubo ako at si Clive ay napakamot lang ng ulo.

"Sir—" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"It's Rill, ayoko ng formalities." He said.

Napabuntong hininga ako, "Okay, Rill..." Sinadya kong diinan ang pagbanggit ng pangalan niya. "Do you know that smoking is bad for our health? Lalo na kung secondhand smoke pa. If you want to die early, huwag mo kaming idamay. I value my life, also sabi ni Kuya ko masama ang paninigarilyo."

Hindi makapaniwalang lumingon sa akin si Clive. Tiningnan ko din siya ng masama at agad na umiwas ng tingin.

What? Totoo naman ang mga sinabi ko ah!

Ibinaba ni Rill ang hawak niyang sigarilyo at tumingin sa akin.

"So? Don't you want to die early para makasama mo na si Dylan?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinagot niya.

Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon