[Daphne]Pagkatapos kong makita yung ginagawa ni Aries kasama yung babaeng tinawag niyang Cress, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Hindi ko na dapat iniisip!
Hanggang sa matapos ang ceremony at sa makabalik kami sa Whitlock ay hindi pa din maalis sa isip ko 'yun.
Umayos ka, Daphne! Dalawang araw na ang nakakalipas, kalimutan mo na 'yun.
"May napapansin ako sayo..." Kumunot ang noo ko sa biglaang pagsalita ni Kit. Nakatingin pala siya sa akin. "Dalawang araw ka nang iritable at laging nakasimangot."
Tumingin siya sa akin ng nakakaloko habang nakahalumbaba pa sa may table. Nasa may dining area kasi kaming lahat maliban kay Toby na nasa isang mission nanaman.
Ang sipag talaga ng isang 'yun!
"May regla ka ba ngayon?"
Naibuga ni Ace ang iniinom niyang tubig kay Gray at si Violet pati na rin si Scout ay humalakhak ng napakalakas. Si Rill na magsisindi sana ng sigarilyo ay napatigil at napatingin sa akin.
I was too stunned to speak!
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at biglang nag-init ang pakiramdam ko.
Bwiset ka, Kit!
"I-im not on my period, you dummy!"
Napakamot ng ulo si Kit. "Ay hindi ba? Ganyan kasi si Violet pag may period." Bago pa man makatawa si Kit ay binatuhan na siya ni Violet ng kutsara at nagsimula nanaman silang mag-away.
"Imbes na mairita ka dyan at mag-emote, why don't you go out and help the people prepare for the festival?" Rill suggested. Napaisip din ako, I need to enjoy and relax. "Sumama kayong lahat sa pag-aayos sa labas hindi yung nakatambay lang kayo dito tapos hindi naman kayo naglilinis."
Umakyat na si Rill sa office niya dahil may kailangan daw siyang asikasuhin. Nagreklamo naman si Scout dahil may hangover pa daw siya, si Gray naman ay makikipag-usap muna sa pamilya niya bago lumabas.
"S-sama na lang ako sainyo, Ace." Tumayo na si Clive at agad na lumapit sa amin. Inayos ko na din ang suot kong cloak at tumayo.
Tumingin ako kay Ace na nakatingin na din pala sa akin. "Tara?"
Tumango siya at tinawag sina Kit at Violet pero parehas abala sa pagbabatuhan ng gamit.
Mga isip bata!
Pagkalabas namin ay agad kaming dumiretso nina Ace sa may centro ng Whitlock.
Punong puno ng banderitas ang bawat daan na nadadaanan namin. Sobrang makulay ng paligid kahit hindi pa mismong araw ng festival.
Nang makarating kami sa centro ay mas madaming tao ang naroroon. May mga magic users din galing sa ibang factions ang naririto at natulong.
Lumapit si Ace sa isang babaeng nag-aayos ng mga box. "Magandang araw po! Ano pa po ang pwede naming maitulong dito?"
Lumingon ang babae sa amin at tiningnan kami isa-isa. Nagulat ako nang umirap ito sa akin nang mapunta sa akin ang tingin niya.
BINABASA MO ANG
Pridewood: Daphne's Revenge
FantasíaFACTION SERIES #1 Completed Daphne seeks to join and be a magic user to take revenge and know the truth about her brother's death. Would she be able to do her revenge for her beloved brother or would she be doing it for someone else?