End

280 13 9
                                    









"So, the creator didn't really betray his wife? And Amaterasu wasn't locked up, she was hidden away so Hades won't see her?" Tumango ako kay Ace habang nakaupo sa damuhan.

Hindi ko ba alam sa batang ito at sobrang interesado sa history. Mabuti na nga lang at nabago na ang maling kasaysayan na pinaniwalaan ng mga tao sa matagal na panahon. Mahirap kapag binabago ang kwento ng nakaraan dahil nalalason ang isip ng kasalukuyan.


"Hindi naging mabuti ang labis na pagmamahal ni Hades kay Amaterasu. You should always remember that love is something that you can't force into someone. It's natural. Love shouldn't be of greed, it is something shared and treasured."


Tumango tango si Ace sa akin at muling tumingin sa harapan namin. "Mom, can I ask a question?"

I nodded. "Anything."

He looked at me innocently. "Bakit palagi tayong pumupunta dito? Bakit hindi natin kasama si Dad tuwing pumupunta tayo dito?"

Napangiti ako. He is a bright boy indeed. Akala ko nga ay itatanong na niya 'yan noong unang dinala ko siya rito pero nagkamali ako.

"Pumupunta tayo dito para kahit papaano ay may kasama siya tuwing birthday niya." Sagot ko.

"But it's not his birthday today..." Tinuro niya ang petsa na nakaukit roon. "Matagal pa ang birthday niya, Mom."

"Well, it's his tenth death anniversary, sweetheart."

His mouth formed an 'o' shape. Napahawak pa siya sa baba niya at para bang nag-iisip pa ng maitatanong.

Hindi ko alam kung kanino ba siya nagmana. Kung sa akin ba o sa ama niya. Anim na taong gulang pa lang siya pero ang dami na niyang nalalaman at naiisip. Masiyado siyang interesado sa lahat ng bagay.

Sa pag-aaral naman, hindi ko rin maintindihan kung bakit sa edad niyang iyan ay kayang kaya na niyang gawin ang lahat. Maayos naman ang pagpapa-anak ko sakanya noon, sakto lang rin ang bitaminag iniinom niya. Ewan ko ba.

"He is your best friend, right?" Tumango ako sakanya. "Aw, hindi si Dad ang best friend mo?"

Napatawa ako sa tinanong niya. "Well, your father and I were sort of enemies before. Our factions were rivals. At isa pa, mahirap maging kaibigan ang Dad mo noon."

"So, you liked him more than Dad?"

I pinched his cheeks lightly. "I didn't like your Dad at first. Kung alam mo lang kung gaano kasungit ang ama mo, ewan ko na lang." Natawa ako.

"Eh, what did you like about your best friend before?"

I sighed. Punong puno talaga ng sorpresa ang batang ito. Manang mana sa kanyang ama.

"I was comfortable with him. He was the reason I was able to smile again after your Tito died. He was my savior."

Muli na namang nanaig ang paghahangad kong makita siya ulit. Sampung taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin akong tanggapin ang mga nangyari noon tuwing naaalala ko silang lahat.

After Hades vanished, the sight of the aftermath was too painful to handle. Hindi ko alam na marami ang madadamay. Dahil noong mga oras na 'yun, tanging ang pagpatay lamang kay Hades ang nasa isip ko. Tanging ang paghihiganti para kay Ace lang ang laman ng puso't isipan ko.


Columbus was defeated by Akira. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero  'yung ang sinabi sa akin nina Rill pagkatapos ng isang linggo kong tulog.

Pridewood: Daphne's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon