1

3.9K 33 2
                                    

Jho if ever mamatay man ako at mawala sa mundo gusto kong iwan ang anak ko sayo.

Biglang bungad ni Carly sa akin. Nakaupo kami sa ilalim ng punong mangga habang hawak-hawak niya ang baby girl niya na mahimbing natutulog. Una nag uusap kami tungkol sa parating na concert ng BTS sa Manila pero bigla nalang siyang nag mention tungkol sa kamatayan.

Ooh..okay..Bakit ako? bakit hindi ang pamilya mo? Gustong gusto ko alagaan ang anak niya sakaling may masamang mangyari but sana walang mangyaring masama ang bata pa namin 20 years old.
Nabuntis si Carly ng boyfriend niya at ng malaman nitong nagbunga ang ginawa nila iniwan siya ng gago. Nagalit din ang magulang ni Carly kaya pinaalis siya sa bahay nila in short sa akin siya ngayon nakatira.

Jho, pasensiya na pero mostly sa pamilya ko ayaw akong tanggapin how much more ang anak ko saka yung iba malayo.. may pinsan akong naniwala sa akin sa lahat ng family ko siya lang yung naniwala sabi niya uuwi daw siya ng Pinas. Pero hindi ako kampante sa kanya mas naging kampante pa ako sayo. Sabi ni Carly habang hinahaplos ang ulo ng anak niya.

Well wala talagang tumulong kay Carly sa family niya except sa sinasabi niyang cousin niya na nasa US.

Bakit mo naman sinasabi mga to girl walang mangyayari sayo.

Bumuntong hininga si Carly iwan ko Jho kailangan ko lang maghanda kung sakali. Mahirap na di natin alam ang mangyayari.



PERFECT Where stories live. Discover now